ZingTruyen.Top

M V Series 01 Carlos Elizondo




Hi! Advance Happy valentines! Opo tatanggap ako ng cake bukas, libre niyo si Author, pangpa-sipag mag update😆 pm is the key!







"Parang hindi pa din ako makapaniwala Misty, akala ko talaga fake news 'yong nabalitaan ko na kasal ka na nga daw. Pero dahil sa 'yo na mismo galing ay naniniwala na talaga ako. Pero grabe no? Si Carlos Elizondo talaga ang napangasawa mo?" Sabi ng kaibigan ni Misty Faith na si Jesylyn.  Nagulat pa nga siya ng mapag-sino ang kumakatok sa harap ng bahay niya pero ang kaibigan niya palang ito. 





"Ako din pero atleast alam mo na kung bakit ako nakasal sa kanya." Kuwento ko naman, hindi ako sumabay kila Miriam na umuwi ng hacienda at nagpadaan nga ako kanina dito sa bahay ni Jesylyn, akala ko pa nga ay wala siya dito sa bahay nila dahil una naming pinuntahan ay ang baranggay kung saan doon siya nagtatrabaho. 



"At ang suwerte mo Girl, ang yaman-yaman ng Carlos na 'yan no!" Natutuwang komento ng dalaga, magkaklase sila noon sa kolehiyo at naging magkaibigan nga. Alam niya ang tungkol sa buhay ng kaibigan niyang ito at alam na alam din niya ang kamalditahan ng tiyahin nito na si Donya Emilia. 



"Tsk anong masuwerte? Inaway ko nga 'yon kanina eh." Inis na kuwento ko ng maalala ko 'yong pag-uusap namin kanina sa swimming pool. Ni wala pa nga kaming dalawang buwan na mag-asawa tapos nakuha na niya agad mangbabae? At talagang nag-iwan pa ng ebidensiya! "Kaya pala hindi nagre-reply kagabi sa akin kase busy kasama ang kaibigan niya at kung sino mang babaeng kaharutan niya, at nakita ko pa talaga na may bakat ng lipstick ang damit niya pag-uwi niya kagabi."



Natawa naman si Jesylyn habang nakikinig sa kaibigan ramdam niya kase ang inis nito ngayon habang nagkukuwento. "Gilingan mo kase sa kama, I mean kapag magse-sex kayo ikaw ang umibabaw at gumiling ka sa ibabaw niya. Ewan ko na lang kung hindi mabaliw 'yang Carlos na 'yan." 



"Jesylyn!" Ako naman ang nagulat sa sinabi niyang 'yon, oo alam kong may pagka-taklesa na talaga siya noon pa man pero parang hindi ko naman magagawa ang sinasabi niya. Gumiling sa ibabaw ni Carlos? Hindi ko kaya 'yon!



"Wala naman na tayo magagawa dahil kasal na kayong dalawa at sure ako at handa kong ipaputol ang lahat ng daliri ng kapitbahay naming crocs na may nangyari na din naman sa inyong dalawa ng Elizondo na 'yon. At tatandaan mo na ang lalake ay lalake kaya naman para hindi 'yan maligaw ng landas este maligaw ng kandungan ng ibang babae ay dapat mag-eeffort ka din."



Napaisip naman ako sa sinabi niya, gano'n ba talaga 'yon? I mean kailangan ba talaga 'yon? "P-Pero parang hindi ko kaya ang sinasabi mo saka baka nga lagot na ako sa kanya dahil inaway ko siya kanina." Sabi ko pa, inis na inis talaga ako dahil feeling ko balak niya pang i-deny ang nakita ko kagabi kaya naman talagang nasapak ko siya. At kahit gusto ko man mag-sorry ay pinanindigan ko na lang din ang galit ko at iniwan siya kanina sa swimming pool. Kaya naman natatakot na din talaga ako umuwi dahil baka mamaya ay palayasin niya na lang ako doon!



"Kaya mo 'yan Misty, ikaw pa ba." Sabi pa ni Jesylyn sa kaibigan, aba dapat lang na wala ng hiwalayan na maganap sa pagitan ng kaibigan niyang ito at ni Carlos no. "Sige ganito na lang tamang-tama may binigay pala sa akin na regalo 'yong isang kagawad ko na alak, inumin na lang natin ngayon para naman lumakas ang loob mo pag-uwi mo mamaya."



"A-Ano? P-Pero hindi ako umiinom alam mo 'yan." Sabi ko, hindi talaga ako umiinom ng alak at kung mapainom man ako ay siguradong kaunting-kaunti lang at napilitan lang ako no'n. 



"Susss para ngayon lang tayo ulit nagkita eh, tatangihan mo pa ba ako?" At saka tumayo na ang dalaga at kinuha ang alak na sinasabi niya. 





Hacienda Elizondo..

"Hindi kaya nilayasan ka na ni Misty Faith? Alas otso na ng gabi Pare at sabi mo nga kanina pang tanghali umalis ang asawa mo." Sabi ni Wilde kay Carlos, kanina niya pa 'to inaasar dahil kinuwento lang naman nito sa kanya na nasapak nga daw ito ng asawa nitong si Misty Faith. At kung paano? 'Yon ang kanina niya pa din ini-imagine dahil maliit lang naman na babae ang asawa nito. 



"She will not do that, hinatid nga daw ng driver ko sa bahay ng kaibigan niya diba?" Sabi naman ni Carlos na hindi ma-ipinta ang mukha hanggang ngayon. He just can't accept the fact his wife Misty Faith punched him, well not punched actually. Dahil sinapak lang naman siya kanina nito pero 'yon na nga hindi niya inaasahan 'yon na magagawa nito ang gano'n bagay sa kanya. Na siya si Carlos Elizondo ay hindi man lang nakailag sa pag-sapak na ginawa nito sa kanya kanina! At talagang ininda niya 'yon dahil masakit at talagang tinamaan siya! At hindi pa talaga nagpaalam sa kanya na aalis pala, sinabi na lang sa kanya ng dalawang kasambahay na nagpunta pala si Misty sa kaibigan nito sa bayan pag-uwi ng mga ito kanina at mamaya na nga lang daw uuwi. Pero ang mamaya nito ay inabot na ng gabi!



"Baka naman gumaganti Pare dahil hindi ka nagpaalam sa kanya kagabi." Sabi pa ni Wilde at uminom muna ulit ng alak bago ulit nagsalita. "Pinaliwanag mo sa kanya dapat ng mainam na tayo naman ang magkasama kagabi sa bar." 



"At anong ipapaliwanag ko? Na sa 'yo galing 'yong lipstick na nakita niyang nakabakat sa damit ko? Gago. eh di lalong hindi 'yon naniwala." Pailing-iling na sabi pa ng haciendero. Kung bakit din kase nilapitan siya ng babae eh, samantalang wala naman talaga siyang kasalanan dahil 'yong babae naman ang nag-approach sa kanya paglabas niya ng banyo matapos niyang umihi kagabi sa bar at nagulat na lang siya ng halikan siya nito sa pisngi at yakapin pa pagkatapos. Hindi ba nito nakita ang suot kong wedding ring?



Nag-uusap silang magkaibigan ng may dumating naman na sasakyan kasunod ang tatlo niyang tauhan na nasa bukana lagi ng hacienda niya kapag gabi. 



"Senyorito si Ma'am Misty po hinatid ng kaibigan niya." Sabi ng isang tauhan ni Carlos na bumaba pa sakay ng gamit nitong kabayo. 



Nilapag naman ni Carlos ang baso niya na may laman na alak sa ibabaw ng lamesa ng marinig 'yon at nilapitan ang sasakyan. Nakilala niya agad kung sino ang nagda-drive ng kotse. Ito ang kapitan sa baranggay sa bayan na tinulungan niya ng maipasok ang kilala nito dito sa hacienda niya.  



"Magandang gabi!' Kaway pa ni Jesylyn ng lapitan siya ni Carlos, agad siyang nagpunta sa kabilang side ng sasakyan at binuksan ang pintuan no'n. "Medyo nakainom si Misty." Nahihiya niya pang sabi. 



Nakita naman ni Carlos na tulog ang asawa sa loob ng sasakyan ng silipin niya 'yon. 



"Hindi talaga siya umiinom actually pero inaya ko siya kase ang tagal din naming hindi nakapag-kuwentuhan, alam mo na bonding gano'n." Sabi pa ng dalaga, buti nga at nahatid niya pa 'to dito sa hacienda at gising naman ito kanina ng papunta na sila dito pero nakatulog na nga lang habang nasa biyahe sila. 



"Tsk I don't know what to say. But I'm sure base on her looks she really got wasted." Sabi pa ni Carlos na inalis na ang pagkakakabit ng seat belt sa katawan ni Misty Faith at pinangko ito palabas ng sasakyan. 



Nag-iba naman ang itsura ni Jesylyn ng makilala kung sino ang lumapit sa kanila. "Ay naku nandito pala ang crocs." Sabi niya habang nakatingin kay Wilde, kilala niya 'to dahil ito lang naman ang kapitbahay niyang congressman! Kaya crocs ang bansag niya dito dahil para sa kanya ang mga congressman ay buwaya!



"Ikaw ang kaibigan ni Misty? Kaya pala." Wilde even shook his head while looking the woman infront of him ito 'yong ang liit namang babae pero ang tapang. "Bad influence na kapitana." Sabi niya pa na kulang na lang ay belatan ang dalaga na nasa harapan niya. 



Tiningnan naman ni Carlos ang dalawa maging ang mga tauhan na naroon. "Sige na Pare ipapasok ko na si Misty sa loob, next time na lang tayo ulit uminom." Paalam niya dito. "Thank you Jessy sa paghatid sa kanya pero wala ng next time 'to ha." Sabi pa niya dito.



"Okay hindi na talaga mauulit unless mangchi-chicks ka pa ulit." Mabilis na sabi ni Jesylyn na mabilis din sumakay sa kotse niya pero bago 'yon ay inirapan niya muna si Wilde na naroon din. 




#maribelatentastories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Top