ZingTruyen.Top

M V Series 02 Wilde Hawk Winston






Ang dami kong nakuhang tanong ng malaman ng mga taga Mayumi na isa sa sasali sa pa-liga ng baranggay namin si Wilde. Yes maglalaro talaga siyang basketball at hindi basta manonood bilang judge o magbibigay ng speech. And yes ulit dahil napilit ko siya, pero parang hindi convince ang mga ka-baranggay ko lalo na ang mga kagawad ko ng sabihin kong marunong at magaling talaga si Wilde sa basketball. Pero paano ba namang hindi ko siya mapapapayag, eh ginawa ko lang ang malupit na teknik. Kinausap ko siya tungkol doon habang subo-subo ko sa loob ng sasakyan niya ang titeee niya, at sabi ko kapag hindi siya nag-oo hindi siya makakapunta sa ikapitong langit. At boom no choice siya kung hindi pumayag sa gusto ko kaya naman kahapon ay pinakilala ko na din siya sa magiging ka-team niya. One week na lang kase ay 'yong araw mismo na ng pa-liga at siyempre kailangan din nila mag-practice ng magkakasama. 





Hacienda Elizondo..

"Ako ang nahihiya sa 'yo kapag ginagano'n mo si Wilde, hoy Jessy hindi 'yon basta-bastang tao no. Wag mong kalimutan na congressman 'yon." Sabi ni Misty Faith sa kaibigan, pinasyalan na naman siya nito at gaya ng palagi nitong pagpunta dito ay may bitbit na naman itong pagkain para sa kanya. May dala itong langka ngayon at isang buong langka 'yon kaya naman 'yon ang nilalantakan nila ngayong dalawa dito sa may pool area. 



"Eh ano naman kung congressman siya? Tao din 'yon no." Paliwanag ko naman, alam ko namang kahit magkaibigan kami nito ni Misty ay parang mas por pabor ito kay Wilde kaysa sa akin na kaibigan niya dati pa. 



"Kahit na, parang kung ako kase sa 'yo ay hindi ko alam kung paano ko siya i-aapproach lalo pa at hindi lang pala siya magja-judge sa pa-liga niyo kung hindi maglalaro din." Parang hindi makapaniwala na sabi ni Misty, hindi talaga dahil kapag nakikita niya ang dalawa ay madalas itong magtalo tapos ngayon naman ay maglalaro pa si Wilde sa pa-liga?



"Hindi lang talaga siya kamo makatanggi sa ganda ko." Pagbibiro ko, hay naku Misty kung alam mo lang kung paano ko siya napapayag maglaro sa pa-liga namin ay talaga nga namang nabulunan ako.



"Parang ayaw ko pa din maniwala sa 'yo." Sabi pa ni Misty Faith. "Saka ko na lang siya tatanungin mismo kung totoo ba ang tungkol diyan kapag nagpunta siya dito sa hacienda." Sabi pa niya, mapagbiro din kase talaga itong si Jesylyn kaya naman minsan parang ayaw niyang maniwala sa sinasabi nito kahit totoo naman pala. 



"Ikaw bahala, pero aasahan ko na makapanuod ka ha? Kayo ni Carlos para naman hindi lang ako ang magchi-cheer kay Crocs." Nag-solicit kase kami at isa siyempre sa hindi mawawala na hingian ko ng solicit ay itong asawa ng kaibigan ko. Galante kase si Carlos at madaling lapitan. 



"Oo na sasabihan ko si Carlos, pupunta talaga kami." Ani ni Misty Faith. 



   At dumating na nga ang araw ng pa-liga, alas sais ng gabi 'yon magsisimula para hindi na din masyadong mainit para sa mga maglalaro at manonood. Napuno ang court ng mga taong gustong manood, 100 thousands ang grand prize at 30 thousands naman ang consolation price kaya ang dalawang koponan na kasali sa liga ay talaga nga namang inaasam na manalo dahil sa laki ng pa-premyo. 



"Wag mo na akong tingnan ng ganyan Wilde alam kong ang cute ko at ang ganda ko sa suot kong jersey." Inunahan ko na siya dahil alam ko naman na 'yon ang sasabihin niya, siya ang nagpagawa ng jersey sa buong team kung saan siya ang nagbayad at libre niya 'yon. At siyempre humirit din ako ng akin kaya nagpasabay ako ng pagawa, ang ganda ng jersey dahil ang lakas maka-sexy tapos nagsuot lang din ako ng puting rubber shoes para ka-partner nito. 



"Hindi 'yon ang sasabihin ko, minsan malakas ka din talaga mangarap ano?" Ani ni Wilde na muling sinipat ang suot ng dalaga. Kung siya ang magsusuot no'n ay siguradong hindi kasya sa kanya 'yon pero ang haba ay tama lang sa kanya pero dahil maliit si Jesylyn ay umabot na hanggang pagitan ng hita nito 'yon. "Nakasuot ka ba ng shorts?" Tanong niya, baka mamaya kase ay hindi at talagang lagot ito sa kanya. 



Ngumiti naman ako, naks halatado ang pag-care sa akin ni Congressman ha. Kaya naman lumapit ako sa kanya para walang makarinig ng sasabihin ko. "Actually naka-t-back lang ako para presko." Bulong ko sa kanya at pagkatapos ay kita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa hita ko. 



"Jesylyn!" Asik ng binata sabay tingin sa paligid nila.



"Joke lang ikaw naman ang bilis mo talagang ma-highblood. Siyempre nakasuot ako ng cycling shorts no kaya hindi mo ako puwedeng bosohan ngayon." 



"Tsk, tsk. Wag kang makulit mamaya kapag nag-umpisa na ang laro namin ha? And please don't show that banner." Tukoy ni Wilde sa pinagawa nitong banner, natural kung ano mang mero'n silang dalawa ng maliit na babaeng ito ay sa kanila lang 'yon at walang puwedeng makaalam. Naka-balandra ang pangalan niya sa banner at ayaw niya naman na bigyan ng ibig sabihin ng mga taong nandito ang tungkol doon. 



"Don't worry Congressman nandito lang ako sa gilid-gilid at magchi-cheer sa 'yo." Hirit ko pa sabay kindat sa kanya.



  At nagsimula na nga ang laro nila ng basketball, nasa unahan ako naka-puwesto kung saan nandito din sila Misty Faith at Carlos. Kulang na nga lang ay agawin ko sa nagsasalita ang microphone. Oo nakita ko na si Wilde kung paano mag-basketball do'n sa pinapagawa niyang bahay pero iba pala kapag ganitong totoong laro na kung saan mero'n siyang kasama na ibang kalaban. Shit parang hindi 40 years old ang mga galawan!



"Ang galing ng kapatid ko no? MVP player 'yan dati sa school niya sa Manila." Sabi ni Dax kay Jesylyn na katabi naman si Carlos. Hindi niya nagawang tumabi kanina sa dalaga dahil sinabihan siya ng Kuya niya kaya kahit gusto niya sanang katabi si Jesylyn ay dito na lang siya tumabi kay Carlos. Ang kaaptid niyang sige ang deny na hindi daw nito gusto ang kapitana ng baranggay pero halatadong-halatado naman. 



"Oo ang galing niya pala talaga." Diyos ko sunod-sunod na naka-shoot ng 3 points si Wilde at para ngang siya lang ang nagdala sa ka-grupo nito. Ang galing tumira! Ako din Wilde patira!



At ng lumamang na nga ng 15 points ang koponan nila Wilde sa kalaban kaya naman ang saya din ng binata lalo pa at parang nararamdaman na niya ang pagkapanalo nila. 



Hindi naman mapakali si Jesylyn lalo pa at magsho-shoot na naman si Wilde. Kaya ng maka-shoot na naman ito ay nagtatalon na siya sa saya at inagaw pa nga ang microphone sa nagsasalita. "Wilde Hawk Winston tumira ng tres, na shoot. Yes! sa bahay ko ikaw mamaya magre-rest."



At wala ng nagawa pa si Wilde kung hindi tingnan si Jesylyn at mapangiti dahil sa kakulitan at sinabi nito kahit pa ang daming tao sa court kung nasaan sila. 


This is my completed story on patreon and vip group! To join on vip dm me on my fb page!

##maribelatentastories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Top