ZingTruyen.Top

M V Series 03 Killian Caballero


Hi! Hanggang June 10 na lang po ang pre order ng The governor book 02, sister Adeline saka Amour. After po niyan hindi na ako tatanggap ng order kaya umorder na kayo!










"A-Anong ibig sabihin nito? Bakit ikaw ang nandito?" Tanong ko kay Killian na tumayo na at naglakad papunta sa akin. 





"Dahil sa akin ka magtatrabaho, I will hire you Heaven sa kahit anong posisyon mo pa gusto." Napakalawak ng ngiti na sabi ng propesor, kanina niya pa talaga ito hinihintay at buti naman at dumating na din ito sa wakas. 



"At sa tingin mo ba nakikipag-biruan ako? Hindi ko gugustuhin na magtrabaho sa 'yo." Ngayon ko na-realize na baka magkaibigan si congressman at si Killian kaya sa kanya ako pinag-apply nito ngayon. Pero hindi ko 'to tatanggapin, hindi ko pangangarapin na magtrabaho sa lalaking ito. Natuwa nga ako ng malaman ko na tapos na ako sa pag-aaral dahil sa wakas ay hindi ko na siya makikita pa tapos ito naman ngayon? No way!



"Pero seryoso ako, I'm really serious on hiring you." Ani ni Killian na bumalik ulit sa upuan niya at umupo doon. 





Pinakatitigan ko ang upuan na tinuro niya sa akin kung saan pinapaupo niya ako. Bumuntong hininga pa nga ako ng malalim bago naupo doon. "Eskwelahan ang mero'n ka at HRM graduate naman ako so paanong magtatrabaho ako sa 'yo?"Alam kong para lang akong nagsasayang ng oras dito pero sige pagbibigyan ko siya at sasabihin ang nasa isip ko at hahayaan din siyang magpaliwanag. 



Pinagsalikop ni Killian ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa, he knew what she pointing at him and he's willing to explain it to her. "Remember binili ko ang buong building kung saan ka nagtatrabaho dati? At kasama doon ang hotel na naroon. At dahil akin na 'yon at gusto ko pa rin naman ituloy ang hotel na 'yon ay do'n kita ipapasok."



At talagang naisip niya pa ang tungkol doon? Iba nga talaga ang nagagawa ng pera at naiisip ng lalaking 'to. Sa isip-isip ni Heaven habang nakatingin sa dati niyang propesor. 



"You are newly graduate Heaven at sa totoong buhay alam mo na mahirap maghanap ng trabaho kesehodang tapos ka ng pag-aaral o hindi. I'm giving you opportunity to work with me, at advantage sa 'yo 'yon dahil related ang hotel na gusto kong ituloy na negosyo sa course mo."



May punto siya, sa dami ng mga nagtapos hindi lang sa eskwelahan niya kung hindi maging sa ibang eskwelahan dito sa probinsiya namin ay siguradong dadagsa din talaga ang mga aplikante. Saka siguradong tatanungin ako ni Jessy sakaling hindi ko tanggapin ang trabaho na inalok sa akin ng asawa niya at ni Killian. Pero kase baka kung ano na naman ang gawin ng lalaking ito sa akin oras na magkasama kaming dalawa at 'yon ang gusto kong maiwasan. 



Samantalang alam ni Killian na nag-iisip ng maigi ang dalaga habang nakatingin sa kanya, matalino itong babae at alam niyang nag-iisip talaga ito ngayon kung o-oo ba sa alok niyang trabaho. "Don't worry hindi naman ako magiging madalas doon dahil nagtuturo pa rin naman ako, isa pa i-oopen ko din ang hotel sa mga naka-graduate na ka-batch mo kaya wala kang dapat ipag-alala." 



I nodded, kailangan kong mag-isip ng maayos at hindi lang basta mag-oo sa kung gusto niya. Oo mabibigyan niya nga ako ng trabaho kung sakali pero baka may iba na naman itong kapalit at 'yon ang isa pa palang ayoko. "A-At anong kapalit nito? Kase oras na hingian mo ako ng kapalit kapag tinanggap ko ang trabaho na sinasabi mo ay hindi bale na lang. Ako na lang mismo ang kakausap kay Congressman Wilde at sasabihin ko na lang sa kanya ang totoo." Sa iba na lang ako magtatrabaho kung wala talagang makita dito ay luluwas na lang ako ng Maynila para doon maghanap ng mapapasukan. 



No need to worry about it Heaven, alam na ng kaibigan ko ang tungkol sa atin. Ngaling-ngaling sabihin ng propesor. "Like what I've said hindi lang ikaw ang tatanggapin ko sa hotel kung hindi tatanggap din ako ng mga aplikante na ka-batch mo sa university. And this will be written in white paper, wag kang mag-isip na may hokus pokus na mangyayari kapag tinanggap  mo ang inaalok kong trabaho."



Tiningnan ko na siya sa mata, parang ang hirap paniwalaan ng sinasabi niyang walang hokus pokus dahil kahit maikling panahon ko lang siya nakilala ay alam kong puwede mangyari ang hindi puwedeng mangyari. "Kilala mo si Congressman Wilde?" Tanong ko sa kanya, kase kung kilala niya si Congressman ay baka pati si Jessy ay kilala niya din. At baka mamaya ay alam na din ng mag-asawa ang kung anong mero'n kami nito.



"Yes, he's my friend. One of my dear friend." Maikling sagot ni Killian.



"At pati ang asawa niya ay kilala mo din?" Tanong ko pa ulit. 



Killian shook his head. "Hindi ko pa siya personal na nakikilala dahil wala din naman ako no'ng kasal nilang dalawa. And beside si Wilde lang naman ang nag-forward ng resume mo sa akin." Paliwanag ng propesor. 



"I see.." Tipid kong sagot, mabuti na 'yong matanong at makasigurado. 



"So what now? Are you going to accept my offer to you?" Muling tanong ni Killian na para bang hindi na makapag-hintay. Gusto niya ng marinig ang isasagot nito sa kanya. At kung sakaling hindi man ito mag-oo ay isa lang ang mangyayari, hindi niya ito palalabasin dito sa opisina niya hangga't hindi niya nakukuha ang gustong sagot mula dito. 



Sa buhay na naranasan ko alam kong hindi mo dapat sinasayang ang mga ganitong pagkakataon o oportunidad. Oo mero'n ng namagitan sa aming dalawa pero iniisip ko na ngayon pa ba ako mag-iinarte? Eh nakuha na niya ang pagkababae ko. At hindi lang 'yon isang beses kung hindi ilang beses na din. Kailangan ko ng trabaho hindi lamang para sa sarili ko kung hindi para sa Mama ko at sa kapatid ko. At baka puwede ko munang isantabi ang totoong gusto ko na huwag ng magtrabaho sa kanya.  "Kung maipapangako mo na hindi na mauulit ang nangyari sa ating dalawa papayag ako." Sabi ko. 



Killian smirked, sumandal din siya sa upuan at tinitigan naman ngayon si Heaven. Even if he answer her now a yes he will surely find ways to be with her alone. 'Yong masosolo niya ito at silang dalawa lang. "No problem, deal." Nakangiti niyang sabi bago inabot ang kamay dito para makipag-kamay. 

##maribelatentastories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Top