ZingTruyen.Top

The God Has Fallen



EPISODE 12


NATALO SI BATHALA?!


Parang ang hirap pa ring paniwalaan na natalo niya si Bathala. Ano bang klaseng paligasahan ang idinaos nila? Bakit hindi pa rin ako makapaniwala na natalo talaga si Bathala?


Nangako sa akin si Bathala na mananalo siya kahit anong mangyari. Bagama't galit ako sa kanya, umasa pa rin ako na tutuparin niya ang ipinangako niya. Nanalig pa rin ako sa kanya na gagawin niya ang lahat ng makakaya niya.


Subalit bakit ganito? Natalo siya.


Nangunot ang paliparan ni Jamod. "Lumuluha ka ba, hija?"


Umiling ako matapos kong punasan ang aking mga luha. "M-masakit lang po ang mga mata ko."


Ang totoo kasi ay hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang pumatak ang mga luha ko nang malaman kong natalo si Bathala sa paligsahan.


Ano bang nangyayari sa akin? Iyon naman ang nais ko, hindi ba? Ang matalo si Bathala? Dahil para makaalis na siya sa islang ito. Para tuluyan na siyang mawala sa buhay ko. Dahil nasasaktan lang ako sa isiping wala naman siyang nararamdaman para sa akin. 


Hindi naman kami talaga para sa isa't isa. Hindi ako ang babaeng nais niya at ang babaeng nababagay sa isang katulad niya...


Pero bakit ang sakit? Ang sakit isiping hindi siya ang mapapangasawa ko? Hindi siya ang sa habangbuhay na aking makakasama...


Sinilip ni Jamod ang mukha ko. "Nahihilo ka pa?"


"H-hindi na po."


"Nanghihina ka pa ba?"


"M-maayos na po ako."


Hinuli niya ang kamay ko at pinisil. "Eh, ano ang iniiyak mo dyan, depungal ka?" Pinandilatan niya ako.


Napayuko ako. "H-hindi ko rin po alam." Ayaw kong sabihin ang dahilan. Ayaw ko na mag-alala pa siya at makarating pa kay Bathala ang aking nararamdaman. 


Biglang pumasok si Dakila sa silong at sa akin agad lumapit. Hinipo niya agad ang paliparan ko.


"Mabuti naman at wala na ang lagnat mo," aniya habang nakatitig sa mukha ko. May nakikita ako kung ano sa mga mata niya. Parang sa isang iglap ay nagbago siya.


Hindi ko maipaliwanag ngunit nakakaramdam ako ng kaba sa kanya. Hindi ko siya magawang tingnan nang diretso. 


"Bathala na ang itawag mo sa akin," sabi niya sa mahinang boses bagamat may awtoridad.


"H-ha?" Napakurap ako. 


"Hindi pa ba nasasabi sa'yo ni Himod?"


Sumimangot si Jamod. "Jamod ang pangalan ko. Hindi Himod!"


Napahawak sa sentido si Dakila. "Pasensya na. Jamod pala."


Napalabi ako. Pasulyap ko siyang tiningnan. Parang mas lalo siyang gumuwapo, pero iyon nga lang, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako masaya na siya ang nanalo. "I-ikaw ba talaga ang nanalo sa paligsahan?"


Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa kanyang matigas na dibdib. "Ako na ang Bathala ng islang ito." Pagkuwan ay hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko para iipit sa aking tainga. "Ako na ang mapapangasawa mo."



"Masakit pa ba ang ulo mo?" malambing man ang boses ngayon ni Dakila, ay iba naman ang isinisigaw ng bughaw niyang mga mata.


Umiling ako.


"Bakit naluluha ang mga mata mo?"


"K-kakagising ko lang kasi," pagdadahilan ko. Ang totoo ay gusto kong humagulhol dahil naninikip ang dibdib ko.


"Ganoon ba? Basta kapag may nararamdaman kang hindi maganda, sabihin mo lang sa akin, gagamutin kita."


"Maayos na ang kalagayan ng Pukangkang. Baka pwedeng ako naman ang gamutin mo?" sumingit si Jamod.


Nagsalubong ang mga kilay ni Dakila. "Ano bang sakit mo?"


"Sumasakit itong likod ko kapag bumabangon ako."


"Eh di wag ka ng bumangon para hindi na sumakit yang likod mo." Pagkatapos ay humarap muli sa akin si Dakila. "Nagugutom ka ba? Anong gusto mo?"


"Hindi ako gutom," malungkot kong tugon.


Sumingit ulit si Jamod. "Hindi mo ba ko gagamutin, masakit ang ulo ko?"


"Mas masakit kapag walang ulo." Bumaling muli sa akin si Dakila. "Gusto mo bang magpahinga ulit?"


Umiling ako.


"Anong gusto mo?"


Matagal bago ako nakasagot. "G-gusto kong makita si Bathala–"


"Ako na ang Bathala ng islang ito." Napatiim-bagang siya. "Hindi na siya."


Napapikit ako. "G-gusto ko siyang makita."


Napabuga siya ng hangin. "Hindi maaari ang gusto mo."


"B-bakit?"


Tumalikod siya sa akin at tumanaw sa kawalan. "Bihag siya ngayon ng tribo Dinarandado. Parurusahan siya ng labing-tatlong kamatayan."


Napatigagal ako sa sinabi niya. Napatayo ako mula sa aking kinahihigaan. "A-anong kasalanan niya?"


Taas noo naman si Dakila. "Ako na ang Bathala ng islang ito. Ako ang magpapasya kung may kasalanan ba siya o wala."


Napaatras ako. "H-hindi yata makatarungan ang pagpapasya mo–"


"Natalo siya sa paligsahan!" Napasigaw siya. Biglang lumalim ang paghinga niya na para bang galit na galit siya. "At walang lugar sa teritoryo ko ang mga talunan!"


Napatingin ako kay Jamod. Nais kong sabihin sa kanya na mali ang pasya ni Dakila. Pero nakangisi lang ito na napapailing habang nakatitig kay Dakila. "Tsk. Lakas talaga ng dating. Pangmalakasan!"


Mukhang hindi siya taliwas sa pasya ng bagong bathala.


Napabuga muli ng hangin si Dakila. "Pasensiya na, Pukangkang. Pero ito ang desisyon ko. Parurusahan ko siya dahil iyon ang nais ko."


Nanlambot ang mga tuhod ko. 


"At bilang Bathala ng islang ito – hindi kita pinapayagan na lumabas ng Silong na ito." Pagkasabi niya niyon ay lumabas na siya.


Humawak ako sa kamay ni Jamod. "H-hindi po makaturangan ang nais ng bagong bathala. Wala po bang paraan para pigilan siya?"


Nanginginig ako sa pag-aalala. Hindi maaaring mapahamak si Bathala. Hindi puwede! Hindi iyon ang nais kong mangyari! 


"Patawarin mo ako, hija. Mas makapangyarihan ngayon ang bagong bathala kumpara sa gagong bathala."


"P-pero po..." 


"Dalawang tribo ang pinamumunuan niya. Walang makakahadlang sa desisyon niya." Napalunok siya. "Pero hayaan mo, hija, tutulungan na lang kita. Ano bang plano mo?"


Pinangiliran ako ng luha. "G-gusto ko pong makita at makausap si Bathala." Para sa akin, ang bathalang gago pa rin ang bathala.


At hindi patas na patawan siya ng kamatayan dahil sa pagkatalo niya! Wala iyon sa usapan!


"Kung ganoon, tutulungan kitang makatakas dito si silong."


"Paano niyo po gagawin yun, eh dalawang tribo po ang pinamumunuan ni Dakila. Pihado po na maraming nakabantay sa akin."


"Ganito ang plano." Tumitig siya sa akin. "Dahil magkamukha tayo, ako muna ang magpapanggap na ikaw."


"H-ha?"


"At ikaw naman ay magpapanggap na ako."


Napaisip ako. "P-paano po natin iyon gagawin?"


"Magpapanggap akong Pukangkang, at ikaw naman ay magpapanggap na Jamod. Gawin natin ito hanggang sa ikasal na kami ng bagong Bathala. Para sa huli, ako ang matokhang niya at hindi ikaw."


Napangiwi ako. "S-sigurado po ba kayo sa plano nyo?"


"'Wag kang boba. Hindi nga nila tayo mahahalata dahil magkamukha nga tayo."


...


Rogue's POV:


"What the hell are you doing here? Bakit ka nakulong?" tanong ko kay Jamod dahil nakakapagtakang magkasama na kami sa kulungan ngayon.


Ano naman kayang kabulastugan ang ginawa ng matandang ito?


"Mahabang kwento, ser. Wag mo nang alamin."


"Just tell me, or else lulumpuhin kita."


"Okey." Her eyes rolled. "Nagpanggap akong Pukangkang."


"Huh?" I raised an eyebrow. "Seriously?"


"Nagpalit kami ni Pukangkang. Nagpanggap siyang ako, at ako naman ay nagpanggap siya. 'Tapos hayun... nahuli kami. Nagtaka ang bagong bathala kung bakit mukhang puyat ang Pukangkang."


Damn it! I almost laugh out loud. Pinipigilan ko lang.


"How did you come up with that kind of plan?"


"Iyon na lang kasi ang pinkamabisang paraan para makalabas si Pukangkang sa Silong."


My forehead crinkled. "What do you mean? Hindi siya pinapayagang makalabas?"


"Ayaw siyang payagan ni Dakila – este Bathalang Guwapo. Gusto ka kasing makita ni Pukangkang."


"Huh?" Hindi ko alam kung bakit biglang biglang nagsirko ang puso ko.


Ang buong akala ko kasi ay magiging masaya si Jane kapag nalaman niyang nakakulong ako at pinarusahan. But I think what she felt was the oppossite. They even came up with a plan—a stupid plan. At hindi naman siguro kakagat si Jane sa plano ng gungong na ito kung hindi siya desperada na makatakas, right? It only meant that she really wanted to see me.


Wala sa sariling nangingiti ako.


Sinundot ni Jamod ang tagiliran ko. "Uy, kilig betlog niya."


"A-ano bang pinagsasasabi mo dyan?" I stuttered. Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso. Iniba ko ang usapan. "Matindi ba yung labing-tatlong kamatayan?"


Napailing siya. "Tsk. Tsk. Walang nabubuhay sa parusang 'yon."


Shit. Mukhang wala na talaga akong kawala.


At first, sumuko na talaga ako. After Dakila defeated me, tinanggap ko na lang ang kaparusahan niya. What else could I do? Jane was mad at me. She needed Dakila more than she needed me. There's nothing I could do about that. Though I'm not a quitter, hindi ko rin alam kung bakit nga ba sumuko na ako. Parang nawalan na rin ako ng gana matapos marinig ang sinabi ni Jane na hindi ako ang gusto niyang manalo.


But when Jamod told me that Jane wanted to see me, nabuhayan ako ng loob. Hindi ako pwedeng mamatay rito. I got to see Jane. Kailangan kong makatakas dito. Kailangan ko maitakas si Jane sa islang ito!


But how? Matitibay ang bars ng kulungan ko. Hindi man ito gawa sa bakal na tulad ng rehas, malalim naman ang pagkakabaon ng mga ito. Isa pa, nanghihina na ako para patumbahin ang mga ito. Naalala ko na ilang araw na pala akong hindi kumakain kaya wala na akong lakas.


Aside from that, napapalibutan kami ng maraming bantay. Gusto talagang makasigurado ng supot na 'yon na hindi ako makakatakas sa kulungang ito.


Fuck! What I'm gonna do?!


Lumapit sa akin si Jamod. "May ideya ako, Ser."


"Hindi ko tinatanong."


Pinaningkitan niya ako ng mata. Nagmukha tuloy siyang humihithit ng droga. "Mamamatay ka na rin lang, bakit hindi mo muna akong tokhangin, ayos ba?"


"Siraulo ka ba? Gusto mo ilibing kita ng buhay dito?"


"Jowk lang, ser. Pinapatawa lang kita kasi ang lungkot mo."


"Eh kung sampal-sampalin kaya kita."


Biglang bumukas ang nagsisilbing pinto ng kulungan. Malaking bato iyon na itinutulak ng ilang katao.


Iniluwa nito ang Dakila at lumapit sa akin. Nakangisi ang mga labi nito. Parang inaasar ako.


"Anong ginagawa mo dito, supot?" I was glaring daggers at him.


Pinalagutok niya ang kanyang kamao. "Nandito ako para ipataw na sa'yo ang ikalawang kamatayan."


"At ano naman 'yon?"


"Wala lang. Susuntukin lang kita hanggang sa magsawa ako. Sisikmuraan kita hanggang sa mapagod ako. Sisipain kita hanggang sa magsawa ako."


I grinned. "Eh kung sa 'yo ko kaya yan gawin?"


"Bawal kang gumanti. Tandaan mo – ako na ang bathala ng islang ito."


"Bathala? Kahit maging Bathala ka, supot ka pa rin."


"Kapag lumaban ka sa'kin..." Bahagya siyang natigilan. "Si Pukangkang ang paparusahan ko."


"Huh?" Napaatras ako.


"Kaya kung ako sa 'yo, hayaan mo lang na ilampaso kita hanggang sa hindi ka na makatayo."


"Hindi makatarungan ang gusto mong mangyari, Bathalang Guwapo." Pumagitna si Jamod. "Bakit kailangan mong isangkalan ang kaligtasan ng Pukangkang?!"


"Dahil ako ang bathala. Ako ang batas sa islang ito. Ako ang masusunod. Lahat ng lumabag sa batas ko, mananagot."


Napailing si Jamod. "Paano mo pala natuklasan na ako si Jamod at hindi ang Pukangkang?"


Bumagsak ang balikat ng Dakila. He was like sayign, obvious ba?


Napakamot si Dakila. "Simple lang. Nagduda ako kung bakit mukhang puyat ang mapapangasawa ko."


"Kung ganun, mahusay ka," ani Jamod. Seryoso ang mukha niya na aakalain mong nasa isang tele-drama. "Magaling ka para matuklasan iyon!"


Wow.


"Umalis ka na sa daraanan ko," utos ni Dakila sa matanda.


"Dadaan ka muna sa akin bago–"


"Sige, ikaw na lang bubugbugin ko."


"Nibibiro lang kita." Umalis siya at nagbigay daan.


Lumapit sa akin si Dakila at sinapak agad ako sa mukha. He hit me so hard on that one dahil kamuntik na ako matumba. I was about to make counter attack when I suddenly remember what he said about Jane.


"Subukan mong gumanti at mahahatulan ng kaparusahan ang Pukangkang."


"Hindi ako naniniwalang kaya mong parusahan ang Pukangkang!" gigil na asik ko sa kanya.


"Talaga? Kaya pala nasa ilalim na siya ngayon ng kaparusahan ko. Hindi siya kakain hanggang bukas dahil tinangka niya akong takasan. At wala rin siyang karapatang uminom ng tubig kahit isang patak dahil iyon ang utos ko."


Coward.


Sinuntok niya ulit ako. Idinura ko na lang ang namuong dugo na nasa loob ng aking bibig.


Fine. Babangasan niya lang naman ang pogi kong mukha, hindi na 'yon kawalan. I'd rather be beaten to death. Kaysa naman maparusahan si Jane.


Ngumisi si Dakila. And then he punched me again. Tinamaan niya ang labi ko kaya pumutok ito. At nang suntukin niya ulit ako, sargo ang dugo sa ilong ko.


Kamuntik na akong mabuwal sa pagkakatayo kaya tinigasan ko ang mga tuhod ko. But he kicked me in my chest kaya tuluyan na ako ng tumilapon.


Pagbagsak ko sa lupa, kumubabaw siya sa akin at saka niya ako pinagsusuntok sa mukha.


Napapikit si Jamod habang nasa isang tabi. Nang kumalas sa akin si Dakila, duguan na ang mukha ko. Kahit nanghihina ako, sinikap ko pa rin makatayo.


I wanna fight him, but I must not. I deserved this. I did a terrible thing to Jane, kaya tama lang ito sa akin. And I couldn't take it if anything bad happened to her. That's why I have to let Dakila do whatever he wanted to do with me. Kahit basagin niya pa ang mukha ko, the hell I care.


Mayamaya ay pinagsisipa naman niya ako sa sikmura. Kahit namimilipit na ako, hindi siya huminto. Halos hindi na ako makahinga sa sakit. Hanggang sa mapabuga na naman ako ng dugo.


Nanakbo si Jamod palapit sa amin at pumagitna. "Tama na yan, tokhaning niyo na lang ako–"


Tinabig siya ng Dakila.


Umuubo pa ako nang sabunutan niya ako para iangat ang mukha ko. "Sinabi ko na sa'yo. Hindi ikaw ang Bathala ng islang ito – ako!"


Sinikap kong makapagsalita. "S-sinabi ko na rin sa'yo – habang buhay ka ng supot sa islang 'to."


He punched me again until I passed out.


...


Jane's POV:


Hindi ko na matandaan kung paano ko nagawang makatakas sa mga nakabantay sa akin. Basta ang alam ko lang, hindi ako papayag ngayong na hindi ko makita si Bathala. Ilang araw na akong hindi makatulog kaya kusa ng kumilos ang aking mga paa.


Natagpuan ko na lang ang aking sarili dito sa likod ng kweba. Dito kasi naroon ang kulungan na niyari pa ng aming mga ninuno. Matibay ito dahil de kaledad na punong-kahoy ang ginamit para buuin ito. Dito ikinukulong ang mga nagkakasala. Isa na nga doon si Bathala.


Hindi makatarungan na maparusahan siya. Wala naman siyang nilabag na batas o ginawang kasalanan. 


Mula sa malayo ay natanaw ko na ang kulungan. Naroon ang isang lalaki na nakatayo sa loob niyon. Kahit ilang hakbang ang layo ko sa kanya ay alam kong siya iyon. Bakit ganito ang tibok ng puso? Bakit kinakabahan ako nang ganito?


Marahan akong naglakad papalapit sa kanya. Alam kong nakita niya ako, at nakikita ko rin siya. Subalit hindi napipigtal ang tinginan namin dalawa. Hanggang sa nagliwanag na sa paningin ko ang kanyang hitsura nang makalapit na ako sa kanya.


Napatigagal ako nang makita ko siya.


Anong nangyari sa kanya? Bakit duguan ang mukha niya? May putok siya sa labi at sa ulo. Halos hindi na niya maidilat ang kaliwa niyang mata.


Kamuntik nang pumatak ang mga luha ko nang makita ko siya. Pero nagawa ko itong pigilan dahil ayaw kong makita niya akong lumuluha nang dahil sa kanya.


"A-anong nangyari sa'yo?" Pero hindi ko napigilan ang pagpiyok ng boses ko.


Nakatingin lang siya sa akin at walang imik. Nanghihina ang mga tuhod ko. Wala yata akong lakas para pigilan ang mga luha ko. Nang maramdaman kong mapapaiyak na ako ay mabilis akong tumalikod. Agad ko ring pinunasan ang mga luha ko. Pagkuwan ay humarap muli ako sa kanya.


"S-sinong nanakit sa'yo?" Pigil pa rin ang luha ko.


"Hindi na mahalaga kung malaman mo pa," aniya sa malalim na tinig.


Humugot ako nang malalim na paghinga. "B-bakit ka natalo?"


Napayuko siya.


"T-tingnan mo ngayon ang sarili mo. Kung nanalo ka, hindi sana ganyang ang nangyari sa 'yo." Gusto ko siyang yakapin dahil habag na habag ako sa hitsura niya. Nais ko sanang sabihin na gagamutin ko siya, aalagaan ko siya. Kaya lamang kapag ginawa ko 'yon, parang isinuko ko na naman ulit ang puso ko.


"Tama lang naman sa 'kin 'to, 'di ba?" Malungkot ang kulay luntian niyang mga mata.


"B-Bathala..."


"Ito naman talaga ang gusto mo, 'di ba?"


Napayuko ako. Hindi ito ang nais ko...


"Umalis ka na. Baka makita ka pa rito ng bago mong bathala. Baka magalit iyon at ano pa ang magawa sa 'yo."


Tiningala ko siya. Nagulat siya nang makita ang pangingilid ng aking mga luha.


"P-pero nangako ka..." Isa-isa ng naglandas ang mga luha ko. "S-sabi mo mananalo ka..."


Nakita kong nagliwanag ang kulay dahon niyang mga mata. "'D-di ba, sabi mo..."


"Sinabi ko lang iyon dahil galit ako. Pero nangako ka na mananalo ka! Bakit hindi iyon nangyari!" Gumaralgal ang tinig ko. "Bakit hinayaan mo siyang manalo?! Bakit hinayaan mo akong mapunta sa kanya?!"


"Patawad, Pukangkang, binigo kita." Lumamlam ang kanyang mga mata. "Napagtanto ko kasi bigla ang kasalanan ko. Siguro tama lang na maparusahan ako."


Ganoon na lang iyon? Dahil ba sa wala talaga akong halaga?!


Pinilit kong ngumiti sa gitna ng aking pagluha. "K-kung sa bagay... nararapat lang yan sa 'yo." Mabigat sa dibdib ko ang sinabi ko. "Dapat lang talaga na maparusahan ka nang ganyan o higit pa."


Kumunot ang noo niya. "Really? Bakit ka umiiyak?"


Mariin kong pinunasan ang mga luha ko. "M-masaya lang ako. K-kasi kahit papaano ay gumagaan na ang pakiramdam ko."


"Huh?"


"A-anong pakiramdam? Mahirap ba? Masakit ba?" Wala akong ideya kung paano ko nasasabi ang mga ito. "D-dapat lang 'yan sa 'yo... kasi ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo! Bakit ka kasi natalo?!" Napahagulhol na ako.


Kahit may namamagitan sa aming katawan ng mga punong-kahoy ay nagawa niya akong mahawakan. Kinabig niya ako palapit sa kanya at saka niya ako inalo. "Shhh, tahan na..."


Gusto man niya akong yakapin, pero hindi niya nagawa. Hinagkan na lang niya ang ulo ko. "I'm sorry..." Gumaralgal ang tinig niya. "I'm sorry, Pukangkang..."


Kumalas ako sa kanya at lumayo. Maraming tumatakbo sa isip ko. "A-aalis na ko..."


"'Wag muna..." pagmamakaawa niya. "Please, 'wag muna. May sasabihin pa ako."


Tinalikuran ko siya. Hindi na ako humarap sa kanya, subalit hindi ko rin magawang iwan siya.


"Kailangan ko lang malampasan ang labing-tatlong kamatayan. Kapag nagaw ako 'yon, makakalaya ako. Aalis tayo sa islang ito–"


"Ikakasal na ako." Hindi ko na siya pinatapos.


"Huh?"


Isa-isa na namang naglandas ang mga luha ko. "I-ikakasal na ko. Kaya kung ano man ang plano mo, gawin mo na lang mag-isa–"


"Mahal mo ba ko?"


"H-ha?" Namilog ang mga mata ko sa tanong niya. Bakit bigla niya iyong itinanong?!


Nagbabaga ang mga mata niya. "M-mahal mo ko, 'di ba?"


Hindi ako nakasagot. Bigla akong napipilan.


"Sabihin mo sa akin... mahal mo ako, 'di ba?!"


Napasabunot ako sa sarili ko. "H-hindi..." Inalala ko ang nagawa niya sa aking kasalanan para mangibabaw na naman ang galit ko sa kanya. Subalit hindi ganoon ang nangyari. Pinapahirapan ako ng tanong niya.


"Please, say it. Mahal mo ako, di ba?" pagpupumilit niya.


Humarap ako sa kanya kahit luhaan ang aking mga mata. "A-ano bang gusto mo?"


"Just say it! Mahal mo ako, 'di ba–"


"Oo!" Hagulhol ko. "K-kahit galit ako sa 'yo, mahal pa rin kita." Nagtatagis ang mga bagang ko.


Hindi ko napigilan ang paghulagpos ng aking damdamin. Mahal ko siya. Sa kabila ng lahat, mahal na mahal ko pa rin siya!


Bahagyang umangat ang sulok ng natural na mapula niyang mga labi.


Pinunasan ko ang aking mga luha. "A-anong nakakatawa?"


"Nothing. It's just... it felt so good to hear that you love me..."


Hindi ko na naman naintindihan ang sinabi niya.


Biglang may lumagutok sa likuran ni Bathala na para bang ngumunguya. Nanlaki ang mga mata ko nang silipin ko ito.


Si Jamod?


Kumakain siya ng prutas.


"K-kanina pa po kayo diyan?" tanong ko sa kanya. Pinamulahan ako.


"Syempre. Dito rin ako nakakulong, eh."


"E-eh di, narinig niyo po yung mga nasabi ko?"


Tumayo siya mula sa pagkakaupo habang kumakamot sa pwet. "Ang drama niyo sa buhay."


Napayuko ako. "A-aalis na ako."


"Puntahan mo ako dito bago sumikat ang araw," habol sa akin si Bathala.


"H-ha?"


"Tatakas ako. Aalis tayo sa islang ito. Pangako ko iyan sa 'yo. Ako ang pakakasalan mo."


Natulala ako lalo nang ngumiti siya.


"Jane, isasama kita pag-alis sa islang ito."


"B-bahala ka." Nanakbo na ako palayo sa kulungan. Humanap muna ako ng puno na masasandalan at doon ako sumandal.


Napahawak ako sa aking dibdib. Wala sa sariling napapangiti ako nang hindi ko alam.


Isasama niya ako paalis sa islang ito? Tama ba talaga ang narinig ko? At sinabi niya na siya ang pakakasalan ko at hindi si Dakila! Nanubig sa luha ang mga mata ko. Mahal ako ni Bathala. Mahal niya ako...


Nasaktan niya ako pero hindi ko siya kayang tiisin. Naniniwala pa rin ako sa kanya. Naniniwala ako na mahal niya ako.


Bago lumitaw ang araw ay pupuntahan ko siya. Sa pangalawang pagkakataon ay aasahan ko ang pangako niya.


Aalis kami sa islang ito katulad ng sinabi niya. Alam kong galit pa rin ako sa kanya. Pero hindi ko yata kayang mawala siya sa akin kaya sasama ako sa kanya kahit saan siya magpunta.


...

Rogue's POV:


"MAHAL MO NA, ANO?" pukaw sa akin si Jamod mula sa pagkakatulala ko.


I got only a few hours para makatakas sa kulungang ito. And I had no time to waste habang nag-iisip ako ng plano. Lalo na't hindi mawala sa isip ko ang umiiyak a mukha ni Jane. Kailangan naming makaalis ng islang ito.


"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" Sinimangutan ko ang matanda.


"Mahal mo na ang alaga ko, ano?"


Pinamulahan ako.


"Kunwari ka pa." Lumapit siya sa akin at tinapik niya ang balikat ko. "'Wag mo na itago. Masarap kayang ma-inlab, ser. Alam ko yan dahil na-inlab na rin ako." Biglang lumungkot ang kanyang mga mata.


"'Wag mong sabihing magkukwento ka pa ng lovelife mo?"


"May minahal din ako noon. Kaso nagkahiwalay kami."


"Oh, crap!" Kasasabi ko lang.


"Sana pagbalik ko sa siyudad, nandoon pa rin siya. Sana mahal niya pa rin ako." Tumingin siya sa akin habang namumugto ang mga mata niya. "At alam mo ba ang kung ano ang pangalan niya?"


"I'm not interested."


"Isa siyang batikan at genius na doktor."


"I don't wanna hear it." Kulang na lang ay takpan ko na ang tainga ko.


"Siya si Dr. Fetus," she said.


"Dr. Fetus? Pangalan pa lang parang bansot na."


Umangat ang malaking bato na nakaharang sa pintuan ng kulungan at iniluwa nito sa Durat. Namumuti pa rin ang mukha niya dahil sa pulbos. Paano niya kaya namaintain iyon?


Sabay kaming napatayo ni Jamod.


"Makakalaya ka na, Jamod," she said to Jamod.


"Oh, paano? Mauna na ako sa'yo." Bumulong siya sa akin. "Sama ako sa plano nyo, ha?"


Amoy labanos ang hininga.


Bago lumabas si Durat ay kinindatan ako nito. Mukha siyang lasing na engkanto. Sumara na ulit ang malaking bato na inihaharang nila na nagsisilbing pinto. Nakakapagtaka lang na hindi ito nakasara nang maayos.


Iyon siguro yung ibig sabihin ng kindat ni Durat. Sinadya niya yata na hindi ito isara nang maayos para makalabas ako. Pinalipas ko muna ng ilang oras at saka ako sumilip sa mga bantay. Nakakapagtakang wala akong bantay ngayon.


Mayamaya ay isinalaksak ko ang aking katawan sa siwang. Kasya naman ako. Ang kaso, hindi lubusan. It's not enough para makalabas ako. Masyado kasing matambok ang pwet ko.


I had to push it a little para magkasaya ako. But how? Nanghihina ako. Masakit ang mga katawan ko dahil ginulpi ako ni supot.


I tried to push it harder, pero hindi ko kaya. Kung meron sanang may magtutulak mula sa labas.


And all of a sudden, it's like a miracle na may tumulak nga mula sa labas. Nang makalabas ako ay nadatnan ko ang isang babae na may hood sa ulo. Hindi ko gaanong makita ang kanyang mukha. But she had a long hair and a fine skin.


Jane!


Kinuha niya ang kamay at nanakbo kami palayo. We finally made it! Makakaalis na kami sa islang ito.


"This way," she said.


Bumitaw ako agad sa kamay niya.


Nilingon niya ako. May tabing ang mukha niya kaya hindi ko siya makilala. But only Jane had a fine skin like her. Pero kung si Jane siya? Paanong nangyari na marunong siyang mag-english?


"What?" she asked.


"Who the hell are you?"


Tinanggal niya ang tabing na hood sa kanyang ulo. Lumitaw ang mukha niya. She's not Jane. Pero hindi rin siya isa sa mga tribo. She's gorgeous and beautiful. She's wearing a pair of leather boots and a sexy red bikini.


Seriously? Nakabikini siya habang nakaboots at nakahood? Anong trip niya? Turista ba siya dito sa Isla Potanes?


"If we don't run, they'll catch us. Come on, Rogue!"


Did she call me Rogue?


Ngayon ko lang yata siya nakita. And the way she spoke to me, it seemed that she was from the city.


"Who are you?" tanong ko ulit.


Napabuga siya ng hangin. "My name is Cassandra Foresteir."


Napaatras ako. "Foresteir?"


"I am Panther's ex-seventh wife."


JF


Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Top