ZingTruyen.Top

The God Has Fallen


EPISODE 19

Jane's POV


"BAKIT KA UMIIYAK?"


Si Dakila. Pumasok siya sa silong at naabutan niya nga ako rito na lumuluha. Hindi ko alam kung tunay bang nag-aalala siya, wala naman kasing emosyon ang kanyang mukha. At alam ko rin naman na wala talaga siyang nararamdaman para sa akin.


Napakagat-labi ako. "Patawarin mo ako, Dakila. Pero nalulungkot ako na aalis na si Bathala. Gusto kong magpakatotoo sa 'yo, mahal ko siya at hindi na iyon mababago pa."


Nagsalubong ang mga kilay niya lalo na nang lalong dumami ang mga luha ko.


"A-ayoko magpakasal sa'yo."


"Ano ang dapat kong gawin?"


Natigilan ako sa biglang tanong niya na iyon. "H-ha?"


Sumeryoso ang kanyang bughaw na mga mata. "Sabihin mo. Ano ang dapat kong gawin para hindi ka na umiyak?"


Napatitig ako sa kanya. "Dakila, bakit gusto mo akong pakasalan?" tanong ko dahil gusto kong malaman. 


Napabuntong-hininga siya. "Matagal na ako sa islang ito. Gusto ko na rito. Ayoko nang umalis. Pero may mga pagkakataon din na nakakainip. Wala naman kasing ibang puwedeng gawin dito kaya pinangatawanan ko na lang ang paniniwala ng mga tribo niyo."


Anong ibig niyang sabihin? Hindi ba't siya ay isa ring bathala?


Tumingin sa akin si Dakila at maliit na ngumiti ang mapula niyang mga labi. "Gusto ko na nandito ka, Pukangkang. Sa lahat ng nandito, maliban sa akin ay ikaw lang ang may matinong ang itsura at utak." 


Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. "Pero hindi mo ako mahal..."


"Hindi ko alam kung paano iyon. Importante ba iyon, Pukangkang?"


"Importante ang pag-ibig. Kahit masakit, kahit mahirap, iyon ang nagbibigay ng kulay sa buhay." Nanginginig ang boses ko dahil sa sama ng loob. "Hindi mo naiintindihan dahil hindi mo pa nararanasan!" Napasigaw na ako.


Natulala si Dakila sa hindi ko malamang dahilan. Kung dahil ba sa pagtaas ng boses ko o dahil sa panenermon ko tungkol sa pag-ibig.


"Dakila, ayaw mo bang maranasang umibig? Kung mananatili ka sa islang ito, hinding-hindi mo talaga iyon mararanasan kahit kailan."


Lumamlam ang mga mata niya pero wala siyang sinabi.


"Bathala, masakit ang pag-ibig pero mas nanaisin ko nang masaktan kaysa hindi ko ito maranasan..."


Nagulat ako nang tumango siya. Hinimas niya ako sa ulo. "All right."


Natigagal ako. Bumanggit siya ng mga salitang banyaga.


Anong ibig niyang sabihin? Nakakapagsalita siya ng salita ni Bathala? Sino ba talaga siya?


"Just... stop crying." Napahagod ang mahahaba niyang daliri sa kanyang buhok. "Jeez, this is not what I want. Fine, sabihin mo na lang sa akin kung ano ang dapat gawin."


Tuluyan na akong napahagulhol. "Nagdadalang tao ako!"


Napaatras siya sa sinabi ko. "A-anong sabi mo?"


Napayuko ako at napahimas sa tiyan ko. "S-siya ang ama ng magiging anak ko! Buntis ako, Dakila, kaya hindi siya pwedeng mawala sa buhay ko!"


...


Rogue's POV


Sikat ng araw ang sumilaw sa aking mga mata pagkadilat ko.


Napabangon ako habang sapu-sapo ang aking ulo. What happened last night?


Oh, I remember. Nagpakalasing nga pala ako. And then I don't know what happened next. I was too drunk to recall. I could still smell the alcohol on me.


Wait. Parang may hindi magandang nangyari.


Napatingin ako sa aking harapan. Damn it! Bakit ako walang damit? Mainit ba kagabi?


Nagkulay ube ang mukha ko nang matagpuan ko si Jamod sa tabi ko. Mahimbing siyang natutulog – labas ang cleavage.


Shit! Napabalikwas ako ng pagtayo. "Hoy, Jamod!" kinalabit ko siya sa mukha gamit ang aking paa. "Gising!"


"A-ano ba yun, ser?" Napahikab siya. Halos pikit pa ang isa niyang mata.


Tinakpan ko ang aking harapan. "Anong nangyari kagabi?"


"Nalasing tayo, ser?"


"What?!" Namilog ang mga mata ko. "Tapos ano?"


Napakamot siya habang nag-iisip. "Hinalikan mo ko."


Napahawak ako sa labi ko. Pagkatapos ay kinukuskos ko ito. "Seriously?"


Lumitaw si Cassandra. Oh, fuck! Biglang bumalik sa alaala ko ang paghalik niya sa akin kagabi!


"D-Did we..."


Ngumisi siya sabay bato sa akin ng aking pantalon.


Napalunok ako. Hindi ko matandaan. Damn, bakit hindi ko matandaan?! Bakit wala akong maalala! Pero kung totoo man, I didn't use protection! 


"You should take care of me starting today, Rogue." Nakasimangot sa akin si Cassandra. "Sooner, I will be carrying your child." Sabay himas niya sa kanyang tiyan.


Nanghina ako at ang agad kong naisip ay si Jane... Oh, no. How can I explain this to Jane? Pero wala talaga akong matandaan!


At bakit kailangan kong magpaliwanag kay Jane? Siya ang tumalikod sa akin. Uuwi na ako sa city na hindi siya kasama dahil ikakasal na siya sa iba. Damn! Naalala ko na naman! 


"Rogue, what's your plan? Hahabulin mo pa rin ang Pukangkang kahit may nangyari na sa atin?" untag ni Cassandra sa akin.


Dumilim ang mga mata ko sa kanya. How did I let that happen? Bakit hinayaan ko na may mangyari sa amin?!


If she's telling the truth, there's nothing I could do. Nasa rule book ng isang Montemayor na kailangang panagutan ang babaeng mabubuntis nito. Walang bastardo sa angkan namin. Papatayin ako ni Dad kapag nalaman niyang may nabuntis ako at tinakbuhan ko.


Galit akong tumayo at tinungo ang bangkang ginagawa ko.


Nilapitan agad ako ni Cassandra. "We should get married when we get back to the city."


"And why the hell would we do that?" Tinitigan ko siya nang masama.


"Posibleng mabuntis ako."


Matagal ako bago nakasagot. "Saka na kita pakakasalan kapag buntis ka nga talaga."


Blangko ang nasa isip ko. Hindi ko na alam ang pinagsasasabi ko.


Mukhang nakahinga nang maluwag si Cassandra sa sinabi ko.


Lumapit sa amin si Jamod. "Eh paano naman ako, ser?"


Inirapan ko siya. "Huh?"


"Paano kung buntis din ako?"


"Shokoy ang nakabuntis sa'yo, hindi ako."


...


Rogue's POV


"Hey. Handa na ang pagkain. Come and join me," anyaya sa akin ni Cassandra habang hawak niya ang inihaw niyang isda. "Share tayo dito."


Naglakad ako palapit sa kanya pero nilagpasan ko siya. Lumapit ako kay Jamod na bago pa lang isusubo ang inihaw nitong isda ay inagaw ko na.


"Anak ng mag-inang kambing naman, ser," reklamo ng matanda.


Bumusangot si Cassandra. "I made some food for you–"


"Ayoko nyan." Sabay sakmal ko sa isdang nakatuhog at inihaw ni Jamod.


Kinuha ni Jamod iyong tuhog na isda na hawak ni Cassandra. "Akin na 'to."


Napailing si Cassandra habang masama ang tingin sa akin. Lumapit siya sa akin mayamaya. "What the hell is your problem?"


"I'm tired. I don't wanna talk," pagkasabi ay lumayo ako sa kanya. Tinapos ko ang bangka kaya pagod ako.


"Ganito ba talaga kayong mga lalaki. Pagkatapos niyong magpakasaya, goodbye na?"


Galit na hinablot ko siya sa braso at mariin itong hinawakan. "Don't you dare talk to me like that!" Nanggagalaiti ako. "Baka nakakalimutan mo, ikaw lang ang may gusto ng nangyari kagabi."


"I don't think so."


"Fuck you!" Itinulak ko siya palayo.


Pumagitna agad si Jamod. "Anak naman ng magbayaw na pating. Ano na naman 'to?"


Tinalikuran ko na si Cassandra bago pa kung ano ang magawa ko sa kanya.


Subalit bago pa lang ako nakakalayo nang may biglang sumapak sa mukha ko. Napalupagi agad ako sa buhanginan.


It was Kreed.


Kumubabaw siya sa akin at sinuntok ulit ako sa mukha. "You, son of a bitch!" sinuntok niya ulit ako ng isa. He just continued to hit me.


Sinubukang umawat ni Jamod. "Anak ng maghipag na hipon. Bakit mo abugbug Bathala?"


Pero hindi siya naawat ni Jamod. Hanggang pati si Cassandra ay nakiawat na. Halos yapusin nila si Kreed mailayo lang sa akin.


"W-what the hell is wrong with you?" Pagbangon ko ay may putok na ako sa labi. Hindi pa ba siya masaya na nasa kanya na si Pukangkang?!


Yapos pa rin ni Jamod at Cassandra si Kreed kaya halos hindi makalapit sa akin. Wala siyang balak na tumigil sa pag-atake sa akin.


"What the fuck is your problem?!"


Nakawala siya sa dalawa kaya nakalapit siya sa akin. Kinwelyuhan niya ako. "What did you do to Jane?"


"I don't know what you're talking about–"


"Then why the heck is she crying?!"


"Huh?" Napaatras ako.


"Umalis ka na sa islang ito. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo!" Nagtatagis ang kanyang mga ngipin.


Tahimik lang ako habang nakaupo at nakayuko sa buhanginan.


Sinilip ni Jamod ang mukha ko. "Ser, ano na plano?"


Napabuga ako ng hangin. "We're going to the city... tomorrow."


...


Rogue's POV


"Jane, hija." Pumiyok si Jamod nang makita niya ang babae sa likuran ko.


My eyes widened by hearing her name. May kung anong bumabayo sa dibdib ko. How I wanted to see her so much. Pero pinili ko na lang na huwag siyang lingunin.


Yumakap si Jamod sa dalaga. "M-mag-iingat ka, ha?" garalgal ang tinig niya.


"O-opo. Mag-iingat din po kayo."


Nalaman na yata ni Jane na ngayon na ang alis namin. Hindi niya siguro napigilang silipin si Jamod at magpaalam ng personal dito bago kami lumaot.


"Hindi kita makakalimutan, hija," ani Jamod matapos hagkan ang noo ni Jane.


Yumakap muli ang babae sa kanya. "Mahal na mahal ko po kayo."


Matagal silang nagyakapan.


Napapairap si Cassandra habang isinasalansan nang maayos ang mga pagkain namin sa bangka na babaunin sa paglalayag.


"Let's go," sabi ko nang hindi nililingon ang dalawa.


"Oh, paano, hija. Mauuna na ako sa'yo, ha?" Nagpunasan ng luha ang dalawa.


"P-paalam po." Namamalat ang boses ni Jane.


Mami-miss ko siya nang sobra. Kahit sa sandaling oras ay pinakinggan ko ang boses niya. Ito na lang ang maibabaon ko sa pag-alis ko.


Sumampa na ako ng bangka matapos kong alalayan si Jamod. Nang nakasampa na kaming tatlo, nagsagwan na ako palayo. Pilit kong iniiwas ang mga mata ko na tumama kay Jane habang papalayo kami. Kahit na ba napakabigat sa dibdib ng nararamdaman ko.


So this is really goodbye.


"Ser, hindi ka man lang nagpaalam kay Jane," sita sa akin ni Jamod nang mahalata niyang inaabala ko ang aking sarili sa pagsasagwan. We're too far from Jane that time. Sobrang liit na niya sa paningin ko.


"I don't wanna talk about her."


"Amina nga 'yang sagwan." Inagaw niya sa akin ito.


"Huh?"


Iniabot niya iyon kay Cassandra. "Ikaw muna magsagwan. May ikukwento lang ako kay ser."


"Bakit ako pagsasagwanin mo?" Sabay himas ng babae sa tiyan. "Baka mamaya buntis ako."


"Alam mo iyang buntisan-buntisan, and ending nyan anak-anakan." Pinandilatan ni Jamod si Cassandra. "Magsagwan ka!"


Walang nagawa ang babae kundi magsagwan.


"Alam mo 'yung kwento ng prinsesang tinira ng kuba, ser?" baling sa akin ni Jamod.


"Alam ko na yan, at sawa na ako diyan," yamot kong tugon.


"Noong unang panahon, may isang prinsesa. Napakasama ng ugali niya. Wala siyang ginawa kundi ang mang-api ng mahihirap," kwento niya.


Bago iyon, ah?


Nagpatuloy siya. "Lahat ng prinsipeng nanliligaw sa kanya ay pinapaasa niya. Sa huli ay pahihirapan niya."


Napangalumbaba ako habang nakikinig sa kwento niya.


"Isang araw, nagalit ang hari sa kanya. Ipinakasal siya sa isang kuba."


"Really?" singit ni Cassandra.


"Nagalit ang prinsesa sa hari. Bakit daw siya ipinakasal sa isang kuba. Ang ibig sabihin ba nito ay isang kuba ang magiging hari balang araw?" Patuloy ni Jamod sa pagkukwento. "Pero nanaig pa rin ang hari sa desisyon nito. Walang nagawa ang prinsesa sa gusto ng kanyang ama"


"Oh, tapos?" tanong ko.


"Hindi magawang sipingan ng prinsesa ang kuba dahil nandidiri siya rito. Ayaw niyang magkaanak dito dahil nga kuba."


It seemed like an interesting story.


"Hanggang sa nailipat na ang korona sa kuba. Ito na ang bagong hari." Umayos ng upo si Jamod. "Humiling ang kuba na tokhangin niya ang prinsesa. Pero ayaw ng prinsesa dahil nandidiri nga siya. Nahihiya na rin siya sa mga kaibigan niya dahil sa napangasawa niya. Kaya nakipagkasundo siya sa kuba."


"Anong kasunduan?" singit ulit ni Cassandra.


"Na magpapatokhang siya sa kuba pero isang beses lang. Pagkatapos niyon ay ipapatapon siya ng kuba sa malayo upang makapangasawa siya ng iba. Iyon bang guwapo at hindi kuba. Palalabasin na lang sa kaharian na nawala siya. At maghahanap na lang ng ibang mapapangasawa ang kuba." Napapikit si Jamod. "Handang talikuran ng prinsesa ang posisyon niya sa kaharian wag lang mapangasawa habang buhay ng isang kuba. Lahat ng kayamanan niya ay handa siyang isuko dahil ayaw niya sa kuba."


"And then what happened?" Nakaabang ako.


"Pumayag ang kuba sa kasunduan. Ang prinsesa ay tinokhang ng kuba." Biglang nanlaki ang mga mata ni Jamod. "Boom!" sigaw niya.


"What the hell was that?" reklamo ko.


"Biglang naging prinsipe ang kuba."


Nagkatinginan kami ni Cassandra. "Seriously?"


"Gulat na gulat ang prinsesa. Ang kuba pala ay isinumpang prinsipe. Isang matipuno, perpekto at ubod ng guwapong prinsipe. Babalik lang siya sa dati kapag nakatokhang siya ng isang prinsesa." Nalungkot ang mukha niya. "Pero huli na ang lahat dahil ang kasunduan ay kasunduan. Ipinatapon ng prisipe ang prinsesa sa malayong lugar."


"I thought it was just a short story."


"Wat if kung ganun nga, ser? Wat if kung short stori nga? Iyon bang, 'noong unang panahon, may isang prinsesa. Tinira siya ng kuba. Wakas.' Eh di sana hapi ending. Walang paliguy-ligoy. Wala sanang pagsisisi sa huli."


"Ano bang pinupunto mo?"


"Na sana short stori lang kayo, ser."


"Huh?"


"Walang paliguy-paligoy. Walang pagsisisi sa huli." Kinusot niya ang kanyang mga mata. "Hindi pinahaba. Simple lang, at wakas agad."


Now I'm getting her point.


"Wag na natin pahabain 'to, ser. Tapusin mo na. Hahayaan mo ba na matulad ang istorya mo sa prinsesang tinira ng kuba? Paiksiin na lang natin, ser, para wakas agad."


Napatayo ako sa aking kinauupuan. Mabilis kong hinubad ang suot kong damit at saka ako tumalon sa karagatan.


"Saan ka pupunta?" tanong ni Cassandra.


"I prefer a short story." Pagkasabi ko ay lumangoy ako nang buong lakas.


I couldn't believe that Jamod would be useful to me someday. Her words made me realize something. Something that would make me regret if I won't do it today. Lulunukin ko na ang pride ko. At kahit mapahamak ako at magkabangga ulit kami ni Dakila, wala na akong pakialam pa.


I must tell everything to Jane. Mas gugustuhin ko pang maging kuba kesa palampasin ang pagkakataong ito.


Pag-ahon ko ng pangpang ay hinihingal ako. Naroon si Jane sa di kalayuan. Kung anong pwesto niya nang iwan namin siya ay iyon pa rin ngayon, walang nagbago.


Humugot ako nang malalim na paghinga. I'm ready. I will tell her what I really feel. Ipapaalam ko rin sa kanya ang mga kasalanan ko. That I fucked Cassandra. That I'm weak and an a-hole. Kung magalit man siya sa akin ay gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako.


Kung kailangan kong magmakaawa sa kanya ay magmamakaawa ako. Kung kailangan kong lumuhod sa kanya ay luluhod ako. I will do everything just to make her mine again.


Handa akong pagbayaran ang mga kasalanan ko sa kanya habang-buhay. Whatever the terms she would make.


"J-Jane..." Naglakad ako papalapit sa kanya. I almost couldn't control my tears.


Nakatingin lang siya sa akin habang nangingilid ang mga luha niya.


"T-there's something I want you to know–"


Bigla siyang nanakbo papalapit sa akin at tinalon niya ako nang yakap. Pagkatapos ay humagulhol siya sa balikat ko. "H-hindi ko kaya, Bathala..." iyak niya. "H-hindi ko pala kaya na mawala ka..." Pinagsusuntok niya ang dibdib ko.


"J-Jane..." Napakainit ng katawan niya. As I was looking at her, I told myself that I would never make her cry again.


"N-naiinis ako. Galit na galit ako sa'yo dahil nasasaktan ako. P-pero bakit ganito? Bakit hindi ko pala kaya... hindi ko pala kaya na mawala ka..."


Her cry broke my heart. Para bang hinihinmay nito ang mga kalamnan ko. Pakiramdam ko ay nababasag ang puso ko. Damang-dama ko ang sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang tinig.


Niyakap ko siya. "P-patawarin mo ako sa mga nasabi ko. Isa pa, may matindi akong kasalanan sa'yo–"


"Shhh..." Tinakpan niya ang labi ko.


"Huh?"


"A-no man ang sasabihin mo ay wala na akong pakialam." Nanginginig siya. "A-ano kung may kasalanan ka? Basta ang alam ko lang... hindi ko kayang mawala ka."


"Jane..."


"Tanga na kung tanga. Anong gagawin ko e mahal kita."


"P-pero..."


"S-sasama ako sa'yo." Mariin niyang pinunasan ang kanyang mga luha. "K-kahit saan ka pa magpunta ay sasama ako sa'yo."


Niyapos ko siya nang mahigpit. I'm not letting her go this time. Mababaliw ako kapag pinakawalan ko pa siya.


Ito ang istorya na gusto ko. It's like, the god has fallen to Jane. Wakas. The shortest story I've ever known. Hindi ko na pahahabain pa. Sasabihin ko na sa kanya ang gustong kong sabihin sa kanya.


"M-mahal na mahal kita, Jane..."


Lalo siyang napahagulhol sa sinabi ko.


Bahagya akong kumalas sa kanya upang hagkan ang kanyang noo. Pinunasan ko ang mga luha niya.


"When we get back to the city..." bulong ko. "Let's get married, please."


UP NEXT: The Last Chapter of Book 1

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Top