ZingTruyen.Top

The God Has Fallen

Episode 30


ADI's


"Tumanggi ka sa rol?" Kumurap-kurap ang mga mata ni Granny J kaya may nalaglag na muta mula sa kanya.


Mariin muna akong napapikit bago tumango sa tanong niya. "O-opo."


Naikwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa offer na lead role sa akin ni Direk Hermes kahapon.


Napahalakhak ang matanda na para bang nasiraan ng bait. "Narinig mo ba yun, Imang?" Tinapik niya sa balikat si Lola Imang na katabi niya lang. "May led rol itong apo nating si Adi, pero tinanggihan niya."


Napahalakhak din si Lola Imang. "Ikaw. Alok. Lead. Rowl. Ikaw. Tanggi?"


Nakangiwi akong tumango sa kanila. Lalong napahalakhak ang dalawang matanda.


"Imang, ano kaya't kunin mo yung walis tambo," utos ni Granny J sa kapwa matanda habang tumatawa.


Sumunod naman si Lola Imang sa utos niya at napapahagikhik pa nitong dinampot ang walis tambo sa di kalayuan.


"A-anong pong gagawin nyo sa tambo, Granny J? M-magwawalis po kayo?" namumutlang tanong ko.


"Ay hindi, hija." Tumatawa pa rin siya. "Ihahataw ko sa 'yo para matauhan ka."


"P-po?" Nanakbo ako kay Lola Imang na hawak na ang walis tambo at inagaw ito sa kanya. "Hindi naman po sa tumanggi ako."


Malakas na tumawa si Lola Imang. "Oh. Hindi. Pala. Siya. Tanggi."


"Hindi ka tumanggi?" Nagliwanag ang mukha ni Granny J. "Ibig sabihin ba nun, hija, ikaw na ang leding leydi sa pelikula?"


Kumamot ako sa aking batok. "Tumanggi po ako sa offer ni Direk na gawin akong leading lady dahil gusto ko lang po ng fair na audition pero..." Natigilan ako. "Mag-o-audition pa rin po ako."


Nagkatinginan muna ang dalawang matanda at saka kapwa napahalakhak ulit.


Napanguso ako. "Saka hindi ko lang po ito desisyong mag-isa. Sinabihan din po ako ni Hazel na tanggihan ang offer sa akin."


"Narinig mo yun, Imang? Sinabihan daw siya ng deputa niyang kaibigan na tanggihan ang offer sa kanya." Napahimas pa si Granny J sa kanyang tiyan habang tumatawa.


Kandaluha naman sa paghalakhak si Lola Imang. "Hazel. Kaibigan. Deputa."


"Makinig po muna kayo sa paliwanag ko." Huminga ako nang malalim. "Na-pressure po kasi ako sa alok ni Direk. Parang mali naman po yata na piliin niya ako na parang wala siyang ibang choices. Hindi po ito isang simpleng movie lang. Ito po ay base sa isang best-selling novel at most awaited movie ng taon." Napayuko ako. "Hindi po ako isang prutas lang sa palengke na basta lang dadamputin at ilalagay sa bayong. Ang gusto ko po sana ay kilatisin niya muna ang prutas na dadamputin niya. Bagong pitas ba ito o baka may bulok? O di kaya ay baka may uod sa loob? Kung meron, humanap siya ng ibang prutas na ilalagay niya sa kanyang bayong. Ayoko po nang kung kelan nabayaran na niya sa tindera ang prutas ay saka niya pagsisihan kapag nadiskubre niyang bulok pala."


Nakatingin lang sa akin si Granny J at blangko ang mga mata. Si Lola Imang naman ay may sinusundot sa kanyang ngala-ngala.


"Hindi naman po fair na basta niya lang ako gagawing bida sa pelikula kaya tumanggi ako sa offer niya. Pero sinabi ko po sa kanya na sasali po ako sa audition para maging leading lady ng movie niya. Gusto kong magkaroon siya ng mga choices bago niya ako piliin. Gusto ko pong makita niya muna  kung karapat-dapat po ba talaga ako o hindi. Ganun din po sa side ko. Gusto ko rin pong makita kung deserving po ba talaga ako sa lead role."


Napabuntong-hininga si Granny J. Si Lola Imang naman ay kumakamot sa kili-kili.


"S-sana po maintindihan niyo po ako." Lumiit ang boses ko. "Alam ko pong pangarap niyo ang maging bida ako sa isang movie. Pero may kailangan din po muna akong patunayan sa sarili ko."


Lumamlam ang mga mata ni Granny J. Samantalang si Lola Imang ay may kinakalikot sa kanyang ilong.


"S-so hindi lang po ito desisyon ni Hazel. Mas malaki ang parte ng desisyon ko po rito. Alam nyo naman pong may sarili po akong prinsipyo sa buhay."


Lumapit sa akin si Granny J at hinimas ang aking buhok. Nangungusap ang kanyang mga matang may eyebags. "H-hija, para sa akin isa kang bayani."


Mukhang naunawaan na niya ako. "S-salamat po."


"Bayani ng mga tanga." Biglang nagbago ang mukha niya. "Imang, amina ang walis tambo. Ihagis mo nga sa akin at sasaluhin ko."


Dinampot naman ito ni Lola Imang at ibinato sa kanya.


Sinalo ni Granny J. "Imang, dustpan ito. Walis tambo ang kailangan ko, hindi ito."


May ibinato ulit si Lola Imang.


"Pustiso mo ito, Imang, hindi walis tambo!"


Bumato ulit si Lola Imang.


"Walis tambo,Imang, hindi ang salawal mo!"


Akmang ihahataw sa akin ito ni Granny J pero inawat ko siya. "Granny J, naman..." pagmamaktol ko.


"Hindi mo ba nakikita ko 'to, Adi." May hinugot siya sa bulsa ng kanyang blouse kaya may naglabasang gamu-gamo.


"P-po?"


"Galing 'yan sa hospital." Bill iyon sa hospital.


Napalunok ako.


"Hindi lang dahil gusto kong maging bida ka sa pelikula kaya naiinis ako na tinanggihan mo ang leyding leydi rol na inaalok sa 'yo kundi dahil kailangan natin ang perang kikitain mo doon! Malaking tulong iyon para sa atin! Lagi tayong kinakapos kahit pa may mga napag-e-extrahan ka at naaambunan ka ng deputang Hazel na iyon ng salapi ay hindi pa rin sapat. Palaging hindi sapat." Biglang sumeryoso at naningkit ang puro mutang mga mata ni Granny J.


Umamo ang mukha ko habang nakatitig sa hospital bill. "P-pasensiya na po."


"Adi, hija, komplikado ang sitwasyon natin. Napakalaki ng perang kailangan natin sa araw-araw dahil hindi lang naman tayong tatlo ng Lola Imang mo ang kailangang mabuhay, may iba pang umaasa sa atin at alam mo 'yan." Napabuga si Granny J ng hangin kaya nag-amoy patay na tilapia.


"A-alam ko po. Pasensiya na po."


"Gusto kong makakuha ka ng big rol dahil gusto ko rin na lumaki ang kita mo para mas matustusan natin ang mga bayarin niya sa hospital. Ikaw na ang nagsabi, hindi natin siya dapat pabayaan, di ba? Kailangan nating magtrabaho para matulungan natin siya habang tinutugunan ang mga pangangailangan natin."


Napayuko ako.


"Apat na taon na siyang coma, hija. Kailangan natin ng pera para mabayaran ang hospital bill niya. Walang ibang tutulong sa kanya kundi tayo lang."


"Tayo. Tulong. Bayad. Ospital. Coma," sabat naman ni Lola Imang.


"Narinig mo ang Lola Imang mo? Kailangan nating magsikap hindi lang para sa ating tatlo."


"Pasensiya na po at naging makasarili ako." Hinuli ko ang kamay niya na kasing tigas ng punong-kahoy. "Ako pong bahala, Granny J. Wag na po kayong mag-alala sa mga bayarin. May mga pera po akong parating."


"Nauunawaan kita sa prinsipyo mo, hija. Isa pa, malaki naman ang tiwala ko sa'yo." Mapait siyang ngumiti sa akin. "At wag kang mag-alala dahil gagawin natin ang lahat para mabuhay siya. Tutulong kami ng Lola Imang mo sa gastusin. Pipilitin din naming maka-extra sa mga shooting kahit pa bangkay sa ilog na rol, papatusin namin."


Yumakap ako sa kanya kaya naamoy ko ang mabantot niyang tainga. "Salamat po sa pag-unawa."


Hinimas niya ang likod ko.


"Ah, Granny J?"


"Hmm?"


Kumalas ako sa kanya. "Ilang araw na po ang nakalipas nang huli po kayong naligo?"


"Apat."


Nangunot ang aking noo. "Apat na araw po?"


"Hindi. Apat na taon."


...





ROGUE's


What the hell is Adi still doing here? Tapos na ang conference meeting nila kanina pa, ah? May hinihintay ba siya kaya hindi pa siya umuuwi?


Nadatnan ko siya sa conference room ng ABS-PBB station na nag-iisa. Parang ang lalim ng iniisip niya. And she was sighing in frustation.


I heard from Rix na kasama nga siya sa meeting. Nagbaka-sakali lang ako pero hindi ko na ine-expect na madadatnan ko pa siya dito.


Tinawag ko siya mula sa kanyang kinauupuan. "Hey, messy girl. Why are you still here?"


Mukhang hindi niya ako naririnig dahil nakatanaw siya sa kawalan. The emotionless expression swept over her face. Unhappy lines on her face etched deeply.


May problema kaya siya? Bakit parang ang lungkot niya?


She's wearing a dirty white loose shirt and 1970's light brown long skirt. May denim backpack siya na nakasukbit sa kanyang likuran. Nakasuot din siya ng bakya sa kanyang paahan.


Ang baduy!


Ang ilang hibla ng kanyang buhok ay parang alambre sa tigas. Meron pa nga yata akong nakikitang uban. Hindi pa rin nawawala ang kanyang mga split ends. Bahagya hinangin ang kanyang buhok pero hindi ito nagalaw.


Gross. Hindi ko yata siya kayang lapitan.


Humugot ako nang malalim na paghinga at saka ko siya nilapitan nang marahan. Naglakas loob na ako since naka-facemask naman ako sa aking bibig. "Messy girl, anong ginagawa mo dito?"


Malungkot niya akong tinapunan ng tingin. "Ikaw pala, idol."


Idol?


Well, it's a good start.


Pero mukhang wala siya sa mood na makipagbangayan sa akin. Parang may malalim siyang iniisip. Lumapit pa ako sa kanya hanggang two meters. O baka kaya ng one meter lang? Or half meter?


"Ahem," tumikhim muna ako. "May problema ka ba, messy girl?"


She pouted her lips. "Naguguluhan lang ako."


"May mas gugulo pa ba sa buhok mo?"


"H-ha?" Napatingala siya sa akin.


Umiwas ako sa blakish brown eyes niya. "N-nothing. Forget about what I said."


Hiningahan niya ang kanyang palad at saka inamoy ito. "Mabaho ba ang hininga ko, Idol?"


"Huh?"


"Bakit naka-facemask ka na naman? Natatakot kang maamoy ang hininga ko?"


Tinalikuran ko siya. "It's none of your business."


Bumalik siya sa pagkakayuko sa kanyang pagkakaupo. Napabuntong-hininga na naman siya. "N-nang pumirma ka sa contract mo, Idol, nagdalawang isip ka ba?"


Humarap muli ako sa kanya. "Of course. There's a kissing scene and bed scene sa contract and I don't like that!"


"Pero pumirma ka, di ba?" Tiningala niya ulit ako.


"Yes."


"So paano ang kissing scene at bed scene?"


"Hahanapan daw nila ako ng ka-double ko na gaganap sa scene na yun. Well, good luck to them. As if kung makakahanap sila ng kamukha ko. Wala silang mahahanap na papasa kahit sa kalingkingan ko."


Maliit siyang napangiti bago muling yumuko.


"Bakit ka nangingiti?"


Umiling siya. "Okay ka rin palang kasama, idol. Hindi ako maiinitan sa 'yo."


"What?" Hindi ko siya na-gets.


"Bakit nga pala ayaw mo ng kissing scene?" pag-iiba niya ng usapan.


Umismid ako sa kanya. "One milliliter of saliva contains about 100 million microbes. Humans swallow between 500-700 times per day, which probably 1,000 ml. If you multiply it by 100 million microbes per ml, it is equivalent to 100 billion." One of my brows curved up. "Do you understand me now why I don't like kissing?"


Namilog ang mga mata niya. "Ibig mong sabihin, hindi ka pa nagkaka-girlfriend, Idol?"


"Ano naman ang kinalaman nun?" Of course marami nang dumaang babae sa akin noon, pero ngayon ay wala na. Hindi ko na kaya ang risk na mahawa ng germs. Kahit yata ilublob ko sa kumukulong alcohol ang pinakamagandang babae sa mundo ay hindi ko pa rin maimagine na matitiis kong dumikit dito.


Ngumuso ang mamula-mulang mga labi ni Adi. "Ayaw mo ng kissing, eh ibig sabihin hindi ka pa nagkaka-syota."


Inirapan ko siya. "It's complicated."


Pagkatapos ay bahagya pa akong lumapit sa kanya. Winisikan ko ng alcohol yung upuan na katabi niya at saka ko iyon inupuan. Inusog ko iyong upuuan palapit pa sa kanya.


I can do this! Nagawa ko na siyang lapitan noon, magagawa ko ulit ngayon. I have to.


Humarap ako sa kanya. "You know when I first met you, meron akong gustong gawin sa 'yo bukod sa suklayan ka."


Nagtataka siya sa akin.


May hinugot akong nail cutter sa aking bulsa. "Ang gupitan ka ng kuko."


Kailangan ko siyang magupitan ng kuko kung gusto kong makatulog ako nang maayos ngayong gabi.


Napatingin tuloy siya sa kanyang mga kuko. "Seryoso?"


Mahahaba na kasi iyon kaya nanggigigil na akong gupitan. Saka ko na siya siguro susuklayan kapag nakasiguro akong naligo siya.


"Hand over your fingers to me," utos ko sa kanya.


Nag-aalangan siya. "A-akala ko ba takot sa germs, Idol?"


"Can't you see, I'm wearing gloves?"


Tumango siya at saka niya inilapag sa palad ko ang kanyang kamay. Inuna ko iyong hintuturo niya. "Just say the safe word when it hurts."


"A-ano iyong safe word?"


Inirapan ko siya. "E di ouch."


"O-okay."


Then I cut her nails slowly. I have to focus. Natatakot akong baka magupit ko ang balat niya kaya naging maingat ako.


Pigil siyang napapangiti habang pinagmamasdan ako.


"Anong nakakatawa?" sita ko sa kanya.


"Wala." Ipinaling niya ang kanyang paningin sa kawalan.


As much as possible ay iniiwasan ko siyang tingnan sa mukha. Hindi ko pa rin kasi maiiwasan na hindi makita si Jane ko sa kanya lalo na't kamukha niya talaga ito.


Pero kakayanin ko ba? She's too near to me. I felt uncomfortable lalo na't ganito siya kalapit sa akin. Pero kailangan ko talaga siyang gupitan ng kuko. It's a mission for me.


"Hey." Bigla akong sumeryoso habang nakatitig sa kanya. Hindi ko na kasi maiwasang hindi mapatitig kaya pahinto-hinto na ang pagupit ko sa kanyang kuko. "I want you to know that..." I paused. "No matter how bad a situation is and no matter what life brings you, just stay still. Even the baddest days of your life won't last." I don't know why I'm saying this to her, pero gusto kong sabihin. I saw her kanina na nakatulala. Gusto ko siyang payuhan dahil baka may dinaramdam siya.


Nakatitig lang rin naman siya sa akin and that's good that she's listening.


"Do not pity yourself and think that you're the only one who's suffering in this universe because you are not alone. Serendipitous moments happen to all of us too, including me."


Dahan-dahang nanlaki ang kanyang mga mata. Para bang meron siyang na-realize.


"Yeah I know na sobrang perpekto ko, pero nakakaranas din ako ng sakit. I am on the top of the world, pero minsan parang nasa ibaba ako. There are times in my life na durog ako..." I sighed. "Dahil isang beses sa buhay ko, nadurog ako. But you that's life. Boring kung hindi mararanasan ang sakit kahit pa gaano ako kaperpekto. And I am telling you this because I want you to be ready. To be always ready so you know what to do when the time comes na magkaproblema ka."


Napakurap-kurap si Adi. Siguro naa-amaze siya na sa guwapo kong 'to, nagkakaproblema pa pala ako.


Unti-unti ay ngumiti ang mapupula niyang mga labi. "S-salamat, idol."


And at that moment, bigla na lang kumabog ang dibdib ko. That smile gave me real pleasure. It's like it was the most beautiful vista I'd ever seen. Wala sa sariling napatulala na pala ako sa kanya.


Pero binawi ko rin agad ang aking mga mata. I have to pull myself together. Gusto kong mag-focus sa ginugupit kong mga kuko niya. I must accomplish this mission. Hindi ako makakatulog kapag hindi ko ito nagupit lahat.


"By the way, messy girl. There's something I've been meaning to ask."


Pumaling ang kanyang ulo. "Ano 'yun?"


I have to be smart. Kailangan ko munang magpaliguy-ligoy. "How do you think Hazel came up with that story?"


Natigilan siya nang bahagya. "S-siguro baka inspired siya."


"Inspired?"


"Alam mo naman na kaya nakakalikha ng isang magandang kwento ang isang author dahil inspired sila, di ba? Posible na ganun ang dahilan ni Hazel."


"Then why the sad ending?"


Matagal siya bago nakasagot. "B-baka gusto niyang i-express ang nararamdaman niya?"


"Her feelings?"


"Baka malungkot siya. Baka nasaktan siya dati o nabigo siya sa love. Minsan kasi makikita mo ang pinagdaanan ng isang author sa gawa niyang libro."


"May boyfriend ba siya?"


Umiling siya. "Wala naman."


"How about you?"


Kumiling ang ulo niya sa akin.


"D-do you have a boyfriend?" Finally, naisingit ko rin.


Pumungay ang kanyang mga mata. "Bakit mo naitanong?"


Crap! Mukhang nahalata niya.


Napakagat-labi siya. "Wala."


Lumuwag ang aking paghinga.


"P-pero..." Napayuko siya. "In love ako."


Natigilan ako sa aking ginagawa.


"Sino ba naman kasing hindi mai-in love sa kanya? Kahit sino naman siguro ay mamahalin siya."


Really? And who the fuck is this guy?


Ipinilig ko ang aking ulo. Bakit ba parang apektado ako? I shouldn't be noticed. Nagpatuloy ako sa paggupit ng kanyang kuko. "M-mahal ka rin ba?" pasimple kong tanong na kunwari ay kalmado.


"Malabo."


Natigilan muli ako sa aking ginagawa. "Why?"


"Para kasing ang layo niya."


"Taga-saan ba siya?" Napadiin ang paggupit ko sa kuko niya.


"Aray!" Napapitlag siya. "Dahan-dahan naman, Idol!" reklamo niya.


Kinuha ko ulit ang kamay niya at ginupitan ulit siya ng kuko. "Saan siya nakatira?"


Naiinis ako. Parang gusto kong murderin ang kuko niya!


"Hindi ko rin alam. Wala pang nakakaalam."


Wala pang nakakaalam? What the hell is the meaning of that?


Umigting ang aking panga. "S-saan mo siya nakilala?"


Lumamlam ang kanyang mga mata. "...sa isla."


Napatigagal ako sa sinabi niya.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Top