ZingTruyen.Top

The God Has Fallen

Episode 34

ROGUE's


It's kind of annoying. Wherever I go, nararamdaman kong may mga matang nakatingin sa akin. Well, I can't blame them if they're my dying hard fans. As long as na hindi nila ako lalapitan. It's fine with me kung titigan lang nila ako kahit maghapon pa. Or else I have no choice kundi ang maligo ulit.


Naglalakad ako papunta sa akin van nang matigilan ako. Nakita ko kasi si Adi na kausap ang isang lalaki. I've seen that guy before from the contract signing. I think he's the director.


Bakit sila magkasama? What are they talking about? Are they close to each other? Based sa nakikita ko, mukhang nahihiya si Adi habang kausap ang lalaki. Hindi kaya crush niya ang direktor na ito?


My hands clenched into a fist. Hindi ko alam kung bakit parang bigla nalang naninikip ang paghinga ko.


Is that guy flirting with her? The guy seemed so mysterious. Nakapamulsa pa ito at nagsusungit-sungitan ang dating. Akala mo kung sinong guwapo eh ang taas naman ng pundyo.


Bakit nga ba nabubuwisit ako? It's like I'm not used to see Adi with someone else. Napamura ako sa isip. I don't care if she's dating anyone here. Hindi naman siya maganda. Ang messy nga niya sa sarili at ang baduy manamit. Mabuti pa ay babalik na ako sa aking van para makapagpahinga.


Pero bago ako makabalik sa van ko ay napahinto ako sa paglalakad. Napaisip ako. Kung tinawag ako ni Adi na idol, ibig sabihin ay crush niya ako. Kung crush niya rin ang lalaking yun na kausap niya, that's cheating! Ako lang dapat ang crush niya!


Natapik ko ang aking noo. Ano bang pakialam ko kung magka-crush siya sa iba?


But seriously, ano ba talaga ang pinag-uusapan nila? Bakit parang namumula pa si Adi habang kausap si Direk? She's not like that when we're talking.


Damn it!


Binalikan ko si Adi pero hindi ko na siya nadatnan na kasama ang lalaki. Kausap na ni Direk si Hazel at may iniabot na folder ang babae. Where's Adi? Kandahaba ang leeg ko.


Gusto ko sana siyang hanapin sa karamihan pero hindi ko magawang lumapit doon. I'm sure na kung saan maraming tao ay naroon din ang maraming germs.


"I-idol?"


Kamuntik na akong mapalundag sa gulat nang marinig ko ang boses ni Adi sa aking likuran.


"O-oh, messy girl." Lumikot ang mga mata ko. Medyo awkward lang na makaharap siya ulit dahil kahapon lang ay umiyak siya sa dibdib ko.


Napayuko siya at halatang nahihiya din sa akin. Parang wala siyang mukhang maiharap sa akin. "S-sige, idol." Naglakad na siya palayo.


"Wait—" Tatawagin ko pa sana siya nang matigilan ako. Parang wala rin naman akong masasabi sa kanya pagkatapos ng nangyari kahapon.


In that moment when she cried, I realized something. Hindi lang pala ako ang may kahinaan, kundi pati ang mga simpleng tao rin. Akala ko talaga ay ako lang ang nasaktan ng tulad kay Adi, I was wrong. Hindi lang pala ako ang umiiyak ng ganun.


Nang mga sandaling iyon na umiiyak si Adi, hindi ko alam kung ano ba ang aking nararamdaman. Basta masikip ang dibdib ko. Nahihirapan ako na makita siyang nagkakaganito. Bigla na lang akong lumapit sa kanya para aluin siya. Hindi ko namalayan na nayakap ko na pala siya.


It was the first time I hugged someone after I woke up from coma. I must admit it felt so good. She's so warm and I could hear her heartbeat. Para bang ang sarap niyang alagaan.


Darn, ano ba itong iniisip ko? Siguro may special treatment lang ako sa kanya dahil kamukha niya si Jane, and that's all.


"Do you mind if I join you?" Nasa harapan ko napala si Hazel nang mga sandaling ito.


Hindi ko siya kinibo. Naglakad na lang ako palayo sa kanya.


"Rogue, listen," tawag niya sa akin.


Napahinto ako sa paglalakad. "What?"


"Do you want to rehearse with me? You know, we have a lot of scenes in the script."


"No." Tinalikuran ko na siya.


"Wait up." Sumunod siya sa akin.


"Don't come near me."


"Listen." Huminto nga siya sa paglalakad pero hinahabol niya pa rin ako ng salita. "We should be nice to each other. You know... you and me... we're going to be the love team in this movie. We should work this out together."


"Yeah, kwento mo yan sa tulingan." Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.


....


ADI's


Sa wakas ay natapos ko rin ang script sa loob ng dalawang gabi. Tuwang-tuwa si Hazel nang ipasa niya iyon kay Direk kahapon dahil pinalabas namin na siya ang gumawa nito. Hinihintay na lang namin ang resulta ngayong araw na ito.


Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang nakapaskil na announcement sa pader. Nakalagay kasi doon na nangangailangan si Direk ng mas marami pang extra para sa movie na ito.


Kinuha ko agad sa aking bag ang aking cell phone para i-text si Granny J. Sigurado ako na malaki ang chance nilang makapasa sa audition dahil mga mukha naman silang sinaunang tao. Isa kasi sa mga criteria ay dapat mukhang taong-gubat.


Nagreply naman agad si Granny J na pupunta raw sila dito sa susunod na araw para mag-audition. Sinabi ko na isama niya na rin si Lola Imang.


"Adi, let's go!" ani Hazel habang nagtitipa sa kanyang cell phone. "Pinapatawag na ako ni Direk."


Naka-cream tank top siya na shirt at black high waist na square pants. Meron siyang malaking branded na belt sa kanyang bewang. Brown wedge booties naman sa kanyang mga paa.


"Nabasa na niya siguro yung script," sabi ko.


"You think so?" Ang laki ng ngiti niya. "Look." Pinakita niya sa akin ng text sa kanya ni Direk. "I think nagustuhan niya ang script!"


May exclamation point pa kasi ang text ni Direk sa kanya kaya mukha rin itong excited.


"Lalong magiging proud sa akin ang dad ko kapag nalaman niyang ako rin ang gumawa ng script ng movie na 'to." Nagniningning ang kanyang mga mata at nangangarap ang mga ito.


Hindi na nagawang basahin ni Hazel ang script na ginawa ko dahil nasa deadline na ito. Wala siyang nagawa kundi ang ipasa nalang iyon kay Direk nang ibigay ko sa kanya.


"Thank you, Adi. Lalo akong sisikat nito kapag nalaman ng mga fans na ako rin ang gumawa ng script."


Ngumiti ako sa kanya. "Masaya ako para sa'yo, Hazel."


"Wait." Nagtipa ulit siya sa cell phone. "I'm gonna post this accomplishment to my social media." Nag-hashgtag post siya sa kanyang social media tungkol sa paggawa niya ng script.


Huminto lang kami pagdating namin sa pinto ng opisina. Napahugot nang malalim napaghinga si Hazel bago niya binuksan ang pinto. Nadatnan namin si Hermes na nakaupo sa kanyang executive table.


Sobrang excited yata ni Hazel kaya iniwan na niya ako at nagpatiuna na papasok. "Good afternoon, Direk," bungad niya sa lalaki.


Kasunod niya lang ako sa kanyang likuran.


"Hazel." Tumayo si Hermes mula sa pagkakaupo at kinuha ang folder kung saan nandoon ang script na ginawa ko. Binuklat niya ito at pinasadahan ng tingin.


"If there's any changes you need from the script, let me know. Napuyat po kasi ako ng dalawang gabi sa paggawa niyan kaya baka may mga typo errors."


Tahimik lang si Hermes na nakamasid sa papel.


"O-or kung may questions po kayo sa script, nandito lang si Adi." Itinuro niya ako. "Siya po ang editor ko, so if anything na may misspelled words diyan, siya po ang sisisihin ko," biro niya pa.


"Did you really do this?" tanong ni Hermes.


"Yes, Direk. Pinagpuyatan ko po 'yan. Kahit nga po nilalagnat ako kahapon ay tinapos ko yan." Sabay hawi niya sa kanyang bangs.


Nilalagnat ba siya kahapon? Parang hindi naman.


"How did you do this? I mean, it's so... so..."


"Simple lang po, Direk. Isinapuso ko po ang lahat ng words na ginamit ko diyan. Hindi naman po ako masyadong nahirapan since based naman ito sa book na ginawa ko."


"I mean, this is so... so... so crap."


Nagbago ang mukha ni Hazel. "A-ano po?"


"This script you did... is bullshit." Pagkasabi ni Hermes niyon ay ibinato niya ito kay Hazel. "What the hell do you think you're doing? Do you think this movie is a joke?!"


Namutla si Hazel. "B-but, Direk—"


"Are you fooling around?! I thought you're a good writer. But what you did with the script is full of crap! No one can stand to read it!" Nagtaas ng boses ang lalaki. "You wasted my time! Now I don't have a choice but to stick again with the old fucking script!" Sa galit niya ay itinumba niya ang executive chair. May mga ibinato rin siyang gamit na nasa ibabaw ng kanyang desk.


Nakayuko lang si Hazel at blangko ang mukha.


"Ano pang tinatanga mo sa harapan ko?! Get out!" sigaw ni Hermes.


Nanakbo si Hazel palabas ng pinto habang pinupunasan angluhaan niyang mukha.


Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan lang siya na papalayo. "H-Hazel..."


Mayamaya ay napangisi ako.


Alam niya kayang hindi pa tapos ang lahat... dahil nag-uumpisa pa lang ako. Gusto ko lang malaman niya na nagkamali siya ng ginagong tao.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Top