ZingTruyen.Top

The God Has Fallen


EPISODE 4

Rogue's POV


"Darn, it tastes good..." napaungol ako matapos kong nguyain ang laman ng isang hinog na papaya.


It's gross, I know. Hindi naman ako kumakain ng isang bunga na basta lang pinitas sa puno. Baka mamaya ay may uod pa ito sa loob. But I didn't have a choice. I needed to eat. I needed strength. I had to survive whatever it takes.


Nahuli si Jane na gumagawa ng balsa. And now she's being punished. Paano na ako makakaalis sa islang ito? Paano na ang balsa ko?


Badtrip kasi ang Jamod na 'yun. Akala mo kung sinong chicks. Sino ba siya sa tingin niya? Kung makaasta kasi siya akala mo siya ang may ari ng islang ito. Para namang doorknob ang tuhod nya. 'Tas 'yung alak-alakan niya mukha namang singit.


May nalalaman pa siyang tatlong kamatayan. Siya kaya ang patayin ko ng tatlong beses.


Tatlong kamatayan daw kasi ang parusang pagdadaanan ng kanilang Pukangkang dahil sa nilabag nitong batas.


Natanaw ko si Jane sa di kalayuan. She was tied up to a tree. Isang araw na siyang nakatali doon. Walang nagtatangkang magpakain sa kanya ni magpa-inom man lang. Kaya hayun, hinang-hina siya.


Nakatanaw sa kanya si Jamod na malapit lang sa akin. Nilapitan ko ang gurang. Maybe I could change her mind about the punishment. "Hoy, Jamod. Ito ba ang unang kamatayan na sinasabi mo?"


Walang-tingin niya akong sinagot. "Oo, Bathala." Bakas sa mukha niya ang awa sa dalaga. "Kapag hindi pa siya nasawi sa unang kamatayan, dadanasin naman niya ang ikalawang kamatayan." Seryoso ang kanyang mukha.


Mukha siyang orangutan kapag naka-side view.


"Ehem." Tumikhim ako. "Hindi ka ba naawa sa Pukangkang? Ikaw ang nag-alaga sa kanya, di ba?"


Lumamlam ang kanyang mga mata. "Nahahabag ako sa kanya, Bathala. Kilala ko ang Pukangkang. Hindi niya magagawa ang lumabag sa batas."


"Huh?" Napalunok ako.


Humarap sa akin si Jamod at tinaasan ako ng kilay. "Sigurado ka ba na hindi mo siya inutusan na gumawa ng balsa?"


I narrowed my eyes on her. "Pinagbibintangan mo ba ko? Baka gusto mong sikmuraan kita."


"Hindi kita pinagbibintangan, Bathala. Nag-aalala lang ako sa alaga ko. Ayokong mamatay siya dahil lang napagbintangan siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa."


Hindi ako kumibo. Kung sana lang kasi hindi sila mga baliw ay hindi sana aabot sa ganito. Fuck this place and their stupid law! 


I got to save my ass, or else I'm gonna die in seven fucking times.


"Kung ganon, totoo ngang nilabag ng Pukangkang ang batas." 


"M-may paraan ba para mapawalang bisa ang tatlong kamatayan na ipinapataw nyo sa Pukangkang?" I have to know if there's a way to stop this madness. Kung may paraan para isalba si Jane na hindi rin ako mapapahamak, susubukan ko.


"Mayroon pa."


Nagliwanag ang mukha ko sa sagot ni Jamod. "P-paano?"


Umalon ang lalamunan ang matanda. Mukha siyang puyat na unggoy habang pumupungay ang mga mata niya. "Kailangan mong tokhangin ang buong tribo ng tatlong beses."


My jaw fell. That's bullshit! There's no fucking way I'm gonna do that. Baka iyon pa ang ikamatay ko.


It seems there's no other way to save Jane. I think it's time to accept her fate. Kailangan kong makapag-isip ng ibang plano. I got to have a better idea before it's too late. Baka ang ending nito ay ako naman ang patawan nila ng pitong kamatayan kapag nalaman nila ang totoo.


Nilapitan ko si Jane na nakagapos sa isang puno. Nilingap ko ang paligid. Halos lahat ng tribo ay nakatingin sa akin. Wala ni isa man sa kanila ang sumaway sa akin. Kahit si Jamod ay hindi ako pinagbawalan.


"Ayos ka lang?" I asked her with a flat tone.


Malungkot siyang tumango. "A-ayos lang ako, Bathala..."


Nanginginig siya. Sino ba namang hindi. Halos dalawang araw na siyang hindi umiinom ng tubig.


Bumuka ang nanunuyo pero sexy pa rin niyang mga labi. "K-kumain ka na ba?"


Napapikit ako. Hanggang ngayon ba naman ay ako pa rin ang inaalala niya kaysa sa kalagayan niya ngayon?


Iniba ko ang usapan. "Totoo ba ang sinasabi nila na mamamatay ka?"


Napapikit siya. "I-ito ang unang kamatayan na parusa. Kung makaligtas man ako dito, hindi na marahil sa ikalawang kamatayan..."


"Hanggang kailan ka nila igagapos sa punong iyan?"


Imbes na sagutin ang tanong ko ay malungkot siyang ngumiti sa akin.


"A-ako ang gumawa ng balsa, Bathala. Wala kang alam sa ginawa ko. Kusang loob kong ginawa ito..." Nag-ulap ang mga mata niya. I wondered if she was even aware that her tears already fell. Nararamdaman ko na nahihirapan na siya.


"Good." Usal ko. But my heart felt heavy upon seeing her tears.


Guilt flooded over me. Ano ang pakiramdam na 'to? Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ito.


Napatitig ako kay Jane mula sa malalim kong pag-iisip. Para akong sinikmurahan sa itsura niya. She's too young to die. 


Sa maputi niyang mga binti ay naroon ang mga kagat ng lamok. Namumula na rin ang kanyang makinis na balikat dahil sa mga kagat ng langgam na gumapagapang sa puno. Ang mapula niyang mga labi ay nanunuyot na rin dahil sa uhaw. Nangangatal na rin ang kanyang panga dahil sa sobrang ginaw.


But there's nothing I can do. I can't risk my life. I have to go home safely. Kailangan ako ng Black Omega Society. Kailangan ako ng pamilya ko, ni Kuya, nina Mommy at Daddy.


Lalo na ang mommy ko. Mahal na mahal ako niyon. Baka magpatiwakal iyon kapag nalaman niya ang kalagayan ko ngayon dito.


Tinalikuran ko na si Jane. Akma na akong aalis nang magsalita siya. "B-Bathala..."


"Huh?"


"M-may isa pang paraan para makaalis ka sa islang ito–"


"Bathala, lumayo ka sa Pukangkang." Nakalapit na pala sa amin Jamod. "Kung hindi ay ikaw naman ang mapaparusahan!"


Shit! Is there really another way to get out from this island?! Nabitin tuloy ako sa sinabi ni Jane.


"Hindi ko ba siya pwedeng kausapin?" Tanong ko kay Jamod. Gusto ko na siyang sakalin. Mukha kasing luya ang kanyang leeg.


"Nakausap mo na siya, Bathala. Sapat na iyon. Bukas, kung buhay pa siya, ay hahayaan namin makausap mo siya bago siya dalhin sa ikalawang kamatayan."


My fists clenched. Maybe I have to wait till tomorrow to ask Jane what she was about to say. I have to know what's the other way to get out of this hell.


Kailangang masabi niya iyon sa akin bago man lang siya mamatay!


...


Jane's POV


SA nanlalabo kong mga mata ay pilit kong sinisilip ang matangkad na lalaki na nasa di kalayuan. Ang matikas niyang tindig, ang maganda niyang mga mata, ang matangos na ilong, ang mapulang mga labi... nangungulila ako sa kanya.


Paglubog ng buwan sa karagatan, umangat naman ang araw. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay sinikap ko pa rin itong pagmasdan. Baka kasi ito na ang huling araw na masisilayan ko ito. Baka ito na rin ang huling araw na makikita ko ang bathalang minamahal ko. Pagkatapos kasi nito ay baka masawi na ako.


Buhay pa ako dahil nalampasan ko ang unang kamatayan. Iginapos nila ako sa isang puno kung saan hindi ako maaring kumain at uminom. Dalawang araw at dalawang gabi ng buwan akong nakatali dito hanggang sa kainin ako ng mga langgam. Pero mukhang nalampasan ko ito. Heto pa rin ako at humihinga. Nanghihina nga lang ang katawan ko.


Namamanhid na ang mga braso ko. Kumikirot na rin ang balat ko dahil sa mga langgam na kumakagat sa akin. Bukod sa langgam, kinakagat din ako ng mga lamok. Ngunit sa sobrang gutom ko at uhaw, halos hindi ko na maramdaman ang mga ito.


Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Bathala. Kagabi niya pa balak lumapit sa akin, pero dahil may bantay ako, hindi niya magawa. Ngayong nakatulog na ang mga bantay ko ay saka siya lumapit sa akin.


Halos hindi ko na maiangat ang mukha ko dahil wala ng lakas ang leeg ko. Mabuti at may tubig na dumampi sa aking mga labi. Galing pala ito sa palad ni Bathala mula sa kanyang sinalok na tubig. Hinigop ko agad iyon dahil uhaw na uhaw na ako. Kahit papaano ay nagkaroon ng lakas ang katawan ko.


"Gross," ani Bathala matapos kong uminom sa kanyang palad. Lumilingap siya sa paligid na parang takot mahuli sa ginagawa niya.


"S-salamat, Bathala..." Nginitian ko siya sa abot ng aking makakaya.


Dinadalangin ko na hawakan niya ako, nang sa gayon ay maramdaman ko ang init na mula sa mga palad niya.


Pinagmasdan ko kung gaano siya kaperpekto, at kung gaano kaluwag sa dibdib ko na mamatay para sa pag-ibig ko sa kanya. Iyon nga lamang ay nanghihinayang ako dahil hindi na yata matutupad ang pangarap kong pamilya na bubuuhin sana naming dalawa.


"P-patawad, Bathala, binigo kita..."


Umismid siya. "Kailangan mong sabihin sa akin kung ano pa ang isang paraan para makaalis ako sa islang ito."


Tumango ako. "Ngunit maari mo pa ba akong ikuha ng maiinom na tubig?"


"Damn it!" pabulong niyang sigaw. Hindi ko naman alam kung ano iyon. "Fine. Babalikan kita."


Marahan siyang nanakbo papunta sa pangpang. Sumalok siya ng tubig gamit ang kanyang palad. Bago siya lumapit muli sa akin ay lumingap siya sa paligid. Pagkuwan ay inilahad niya sa mukha ko ang kanyang palad na may tubig. Hinigop ko ulit iyon at mabilis kong naubos. "P-pwedeng isa pa?"


Umigting ang kanyang panga. Napabuga siya ng hangin.


Lumingap siya sa paligid bago siya marahang muling nanakbo patungo sa pangpang.


Nakakapagtakang inilublob niya sa tubig ang suot niyang tela bago isinalok ang mga palad para makakuha ng tubig. Pagkatapos ay lumapit na siya sa akin at pinalagok ang tubig na nasa kanyang palad. Kinuha niya ang tela na basang-basa at piniga sa aking bibig. Dahil dito ay nawala ang uhaw ko. Nagkaroon ako ng lakas at nawala ang panghihina ng katawan ko.


Pinunasan niya ang mukha ko gamit ang basang tela. Kahit kaunti ay nagising ang natutulog kong diwa.


Hindi ko alam kung bakit kumakabog ang dibdib ko nang ganito. Basta ang alam ko ay masaya ako.


Mayamaya ay natigilan siya. Napatingin siya sa itaas ng uluhan ko. May imahe kasi na nakaukit doon.


"Ano 'yan? Ano ang ibig sabihin ng mga nakaguhit na yan?" tanong niya.


Tiningala ko iyon. "Ano ang nakikita mo, Bathala?" Kahit hindi ko lubusang nakikita 'yun, alam ko kung ano ang imaheng nakaukit doon. Ang aming pinaka-poon. Lahat ng banal na bato sa islang ito ay may ganoong imahe.


"Babae." Napangiwi siya. "Nakasakay sa isang malaking pagong."


Napangiti ako. "Siya si Merdie."


"Merdie?" Kumunot ang noo niya.


"Isa siyang alamat sa mga kwento ng mga ninuno namin," masayang kwento ko.


"Huh?"


Napangiti ako. Napakaguwapo niya talaga sa tuwing nagtataka ang kanyang perpektong mukha.


"Kalagan si Pukangkang!" Nakalapit na pala si Jamod sa amin.


"Ha?" Kapwa kami napabaling sa kanya ni Bathala.


Lumapit sa akin sila Libag at kinalagan ako.


"Sandali! Saan nyo siya dadalhin?!" marahas na tanong ni Bathala kay Jamod. Para bang bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala para sa aking sasapitin.


"Nakaligtas siya sa unang kamatayan. Panahon na para ipataw sa kanya ang ikalawang kamatayan."


Napalunok ako sa takot. Ito na siguro ang katapusan ko. Malabo na akong makaligtas sa ikalawang kamatayan.


"Ano ang ikalawang kamatayan?!" tanong muli ni Bathala kay Jamod.


"Ipapatapon siya sa kabilang isla."


"Kabilang isla?" Umangat ang isang kilay ni Bathala. Nag-aalala ba siya para sa akin?


"Ang kabilang isla ay ang kabilang bahagi ng islang ito kung saan nandoon ang mga..." Bahagyang natigilan si Jamod. Bakas sa mukha niya ang takot. "Tribo ng mga Dinarandado."


Napayuko ako. Tiyak na babalatan ako ng buhay ng mga Dinarandado. Ang tribong iyon ay matagal nang kalaban ng aming tribo.


Kahit mukhang labag sa loob ni Jamod ang sasabihin ay nagsalita pa rin siya. "Dalhin na ang Pukangkang sa kabilang isla!"


Binitbit na ako nila Libag at ng mga kasama niya. Alam kong labag sa kagustuhan ni Libag ang ginagawa niya, pero kailangan niyang sumunod sa utos. Halos kaladkarin nila ako nang matigilan sila dahil nagsalita ulit si Jamod.


"Bathala, may paraan pa para mapawalang bisa ang kaparusahan ng Pukangkang."


Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Totoo ba? May pag-asa pa na makaligtas ako sa kamatayan?


"Tokhangin mo ang buong tribo." Para bang may pagmamakaawa sa tinig ni Jamod. "Kapag nagawa mo yun, mapapawalang bisa ang parusa sa Pukangkang namin."


Buong pag-aasam akong tumingin kay Bathala. Napuno ng init ang dibdib ko. Alam kong iyon na lang ang paraan para mailigtas niya ako. At alam kong gagawa siya ng paraan para hindi ako mamatay dahil mahal niya ako. Tulad ng pagmamahal ko sa kanya, gagawin niya ang lahat para mabuhay ako.


Malamig ang mga mata ni Bathala na tumingin sa akin. Matagal sya bago nakapagsalita. "N-nagkasala ang Pukangkang hindi lang sa inyo at sa atin. Bakit ko gagawin iyon para iligtas siya?"


Napanganga ako sa sinabi niya. Kasabay nito ay tila may matalas na patalim na bumaon sa puso ko.


"K-karapat-dapat lang na maparusahan ang Pukangkang dahil sa kasalanan niya. Dapat lang siyang mamatay dahil sa nagkasala siya." Pagkasabi niya niyon ay tinalikuran na niya ako.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Top