ZingTruyen.Top

The God Has Fallen

Episode 40

ADI's


"You're late," nakasimangot na bungad sa akin ni Hazel paglapit ko sa table niya.


Naka-red sleeveless siya na drop waist shirt at mini skirt sa pang-ibaba. Naka-doll shoes siya at meron siyang anklet na silver sa kaliwa. Nakakasilaw ang kinang ng diamond necklace niya na tinatamaan ng ilaw mula sa chandelier. Naka-earwire earrings siya na silver sa kanyang magkabilang tainga. Lahat ng waiter dito sa resto ay napapatingin dahil napakaganda naman talaga si Hazel. Napaka-classy pa.


Umupo ako sa upuan sa kabilang side kaharap siya. "Heto." Inabot ko sa kanya ang laptop. "Nandyan na ang book two. I-check mo na lang kung okay sa 'yo."


Napapalakpak siya sa tuwa. "Really?" Kinuha niya iyon at binuksan. Binasa niya ang screen ng laptop matapos niyang buksan ang mga documents doon. Mga ilang minuto rin ng pag-scan nang magsalita siya. "This is good, Adi. I like it." Pagkuwan ay isinara na niya iyon. "All I'm gonna do is to find an editor. Then I'll send this to the publishing."


"Hanggang diyan na lang ang book two. Hindi ko na 'yan madudugtungan pa."


"I know. Ito lang din naman ang need ko." Humugot siya ng cell phone. "By the way, it's my dad's birthday tomorrow. Gusto ko siyang i-surprise with some expensive gifts. Here." Inabot niya sa akin ang kanyang cell phone.


Kinuha ko iyon. "A-ano 'to?"


"Dating gawi. Click my app store there."


Mukhang mamimili na naman siya ng mga branded luxury items online gamit ang royalties namin sa book. Sinunod ko siya.


"Oh, change the address there. Just clear the field and fill out my Dad's address. Matutuwa siya kapag mismong siya ang maka-receive niyan bukas. Pakilagay na rin ang priority send, para talagang bukas sa mismong birthday niya mareceive ang items."


Sinunod ko ang sinabi niya matapos niyang idikta sa akin ang address ng dad niya.


"And then tap may bank account for payment."


Ginawa ko naman.


"Listen, Adi. The publishing sent another payment to my bank account and I'm gonna use it to buy those items in my cart, and you know that, right?"


Napabuntong-hininga ako. "B-bakit mo ba 'to ginagawa?"


Napahalakhak siya nang mahina. "Are you seriously asking me that?"


Hindi ako kumibo.


"That's my book. That's my money. I can do whatever I want with my money, can't I?"


"Alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko, Hazel."


"Kung naging mabait ka lang sana sa akin, Adi, hindi sana ito mangyayari. Sana may malaki ka ng pera ngayon. I can give you all the payments, and you know that. You know how generous I am. And you just wasted your chance."


"Okay na ang items sa cart mo," mahinang sabi ko.


"How much is the total?"


"Three hundred sixty thousand pesos."


"That's a belt, shoes and the wallet that I put in my cart, right?"


Tumango ako.


"Good. Now, confirm the check out."


Sinunod ko ang sinabi niya. Pagkatapos ay inabot ko na sa kanya ang cell phone niya.


Tumayo siya at binitbit ang laptop. "Oh, by the way!" Nilingon niya ako bago siya lumabas ng glass door. "You're fired."


Napatanga ako. "Hazel..."


"I don't want to see you in the set again because you're not my assistant anymore. Goodbye, Adi."


Napaluha ako kasabay ng pagtalim ng aking mga mata.


...

ROGUE's


Nakatitig ako sa mga pictures na ibinigay sa akin ni Granny J. These photos are Adi's. But there's one photo I stared at the most. This picture was taken when Adi and her best friend, Cassandra, were together.


I thought it's the Cassandra I knew from Isla Potanes. But again, it turned out she's not. Childhood friend daw ito ni Adi since she was four. Sa photo na pinagmamasdan ko ay makikita rito na mga bata pa sila.


Ang cute ni Adi dito sa picture. Medyo chubby siya, itim na itim ang mga mata na parang sa gabi. Pero bakit ganito? Bakit kahit kamukha ito ni Adi ay hindi pa rin ako mapakali? Bakit hindi ko pa rin matanggap na siya nga ito? Nababaliw na nga talaga siguro ako.


Luma na itong picture dahil matagal nang kinuhanan pero nakikita ko pa rin ang mga mukha nila ng Cassandrang kaibigan niya. At kahit bata pa ang Cassandrang nandito ay sure ako na hindi siya iyong Cassandra na nasa Isla Potanes. Magkalayong-magkalayo kasi ang itsura ng mga ito. Kaya dapat dito palang, itigil ko na ang pag-asa na si Adi nga si Jane.


According to Granny J, comatose raw ngayon itong Cassandra na best friend ni Adi at naka-confine sa isang private hospital. Most of their income were funded to her hospital bills. Kaya siguro kayod-kalabaw ang tatlo sa pag-e-extra para kumita ng malaki.


Na-comatose raw ang babae dahil iniligtas nito ang buhay ni Adi sa isang car accident. Bilang utang na loob ng apo nila rito, ginagawa raw ni Adi ang lahat para maisalba ang buhay ng kaibigan. Kahit magipit daw sila at hindi kumain basta mapunan lang raw ang medical expenses ni Cassandra.


Actually, na-enjoy ko ang lahat ng kwento ni Granny J tungkol kay Adi. Para tuloy lalo kong nakilala ang babae. I realized how dumb I am for thinking that she might be Jane. Adi is a good person. Meron siyang sariling prinsipyo at paninindigan sa buhay. Iyon nga lang, messy nga lang talaga siya.


Oh, damn me for giving myself another hope. The truth is - Jane never exists. Ilang beses ko ba ito sasabihin sa sarili ko? I'm just making myself a fool for thinking these stupid things! It's time to let go. I should stop right here.


I glanced at the wall clock and it was almost nine in the evening. Where the hell is Adi? 


I'm kind of worried about her. Ipinilig ko ang aking ulo. There's no freaking way I'm worried about her! Guni-guni ko lang iyon!


Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nadatnan ko ang dalawang matanda na nanonood ng TV. Nakabalot sila sa trash bag dahil ibinalot ko sila kanina. "Nandyan na ba si Adi, tanda?" tanong ko kay Granny J.


"Parating na yun, Aydol. Baka nakipag-date lang kay Direk Ermis kaya ginabi."


"D-date?" Parang biglang kumirot ang loob ng dibdib ko sa sinabi niya. "K-kay Hermes?"


Tumango ang dalawa habang ang kanilang nanghihilukang mga mata ay nakatutok sa screen ng TV.


Bigla na lang kumulo ang dugo ko. Parang gusto kong sampalin ang dalawang matanda sa pagkakaupo. Padabog akong pumasok sa pinto ng kwarto at ibinalibag iyon. So, kaya pala kahit gabi na ay wala pa siya dahil nakipag-date pa siya sa hambog na direktor na iyon! 


Mayamaya ay narinig ko ang boses ni Adi sa labas ng kwarto. Dali-dali akong lumabas ng pinto. And there's Adi sitting on the couch next to her grannies. She was wearing a denim jumper and black striped long sleeves inside. Bakit ang cute niya?


"Ahem." Tumikhim ako. "I'm bored."


Nagkatinginan ang tatlo. "Baka inaantok ka na, Idol." Si Adi ang sumagot.


"What if we play a game?" I suggested.


"Nakow, ano namang geym yan, Aydol?" Parang na-excite ang dalawang matanda.


"Since all of us have the same job, which is acting. Why don't we apply it in a game. Laro tayo ng bahay-bahayan."


"Ako. Gusto. Laro. Ako." Napapalakpak si Lola Imang sa tuwa kaya nagmukha siya nasunog na palaka.


I looked at Adi's reaction and she was just smiling. I couldn't tell what was on her mind. Ang ganda-ganda niya sa paningin ko kahit pa ang dami na namang nakatikwas na split ends sa buhok niya.


Inawat ko ang aking sarili sa naiisip ko. Inaantok nga lang yata talaga ako kaya attracted ako pati sa smile niya.


"Okay. I'm the father and my wife is-"


"Ako! Ako!" Nagpalundag-lundag si Granny J palapit sa akin dahil nababalutan nga siya ng trash bag. "Ako ang nanay!"


"Nope." Tumingin ako kay Adi. "Si Adi ang nanay."


Nalukot ang mukha ni Granny J kaya nagmukha siyang sinampal na tutubi.


"At kayong dalawa ang anak namin," I said to the two grannies. "Let's just think that you two are our babies since wala kayong mga ngipin."


Malungkot na tumayo si Lola Imang. "Ako. Gusto. Ako. Nanay."


"All right. Let's start the game, okay? Believe me, this will help you guys to improve your skills in acting. And just to let you know, kung sino ang matatalo sa pag-acting ay may punishment. Sa labas matutulog."


Sumang-ayon naman ang tatlo sa rules.


Bumaling ako kay Adi. "Wifey, bakit ngayon ka lang umuwi? Malalim na ang gabi ah. Nanlalalaki ka ba?"


Napanganga siya sa akin. "H-ha?"


Pumamulsa ako. "Uwi ba 'yan ng matinong asawa?"


Tumayo siya sa pagkakaupo. "H-hindi ako nanlalalaki." Parang nag-aalangan pa siya sa game namin.


"Kung sino man ang papalpak sa pag-arte ay matutulog sa labas," I reminded her in a whisper.


She paused before taking a deep breath. "Hindi po ako nanlalalaki, hubby. Loyal po ako sa 'yo."


Why it sounded so sweet?! Damn, I love this game!


"Ahem." Tumikhim muli ako. I have to concentrate and stay focused. "T-that's good to hear. So it means that..." Natigilan ako nang bahagya. "W-we can go to bed now?"


"H-ha?" Napakurap siya sa akin.


"I-inaantok na ako. N-napuyat ako kakahintay sa 'yo, wifey..." Kandautal ako.


Nahihiyang napayuko siya. "T-tara na."


Darn, she's so cute!


"Dade!" Lumapit sa akin si Granny J. "Ihatid mo po kami sa kwarto." Pinaliit niya pa talaga ang tinig niya kaya para siyang sinapian ng masamang espiritu.


"I can't, sweetie. You go with your sister in your bedroom, all right." Pasimple ko siyang kinutusan.


Umacting ang dalawang matanda na umiiyak. Bigla silang nagtantrums.


"Ayaw tolog! Gusto namen kay Dade!" Pumalahaw pa ang dalawang matanda at nagpagulong-gulong sa sahig.


"Damn these uglies," usal ko.


"Ako na ang maghahatid sa mga bata," ani Adi. "Mauna ka na sa kwarto, hubby."


"S-sure." Nagmarcha na ako papasok sa kwarto at mabilis na nagpagpag ng kama. Sinukat ko ng ruler ang mga unan kung balanced ba ang pwesto. I also made sure kung na-plantsa ko ba ang kumot. Nag-spray ako ng air freshener para siguradong mabango ang paligid. Pagkatapos ay mabilis akong humarap sa salamin para tingnan ang aking sarili.


Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Adi. Napaatras ako nang makita siya sa kanyang suot.


It's a loose white sando and I could see the strap of her bra. Maiiksi rin ang laylayan ng suot niyang pang-ibaba. Nakikita ko tuloy ang kanyang makinis na mga hita. Ito pala ang pantulog niya. Sa likod pala ng baduy niyang pananamit ay may nagtatagong magandang tanawin.


Nakaipit ang mahaba niyang buhok sa likuran paitaas. May ilang mga hibla ng buhok niya ang nakalaylay sa kanyang tainga at gilid ng mukha. Nakatayo lang siya na para bang hindi malaman ang gagawin. Halata sa kilos niya na nahihiya siya sa akin.


Tigagal lang akong pinagmamasdan siya. I was totally stunned by her beauty.


Mayamaya pa ay naglakad siya palapit sa kama at humiga doon. Hinila niya ang kumot para kumutan ang kanyang sarili. Halos yakapin niya ang kanyang sarili. "H-hindi ka pa ba matutulog, hubby?" Tumagilid siya sa pagkakahiga para talikuran ako.


Tumalikod din ako sa kanya. "H-hindi mo ba tatabihan ang mga bata sa kabilang kwarto?" Maybe I should terminate this game as soon as possible bago pa ako makagawa ng krimen sa isip ko. And I don't think I'm ready to sleep with someone beside me.


Napabangon siya para umupo. "H-hindi ba ang mag-asawa dapat ang nagtatabi sa pagtulog?" May pag-aalinlangan din sa boses niya. I know she's just trying to act for this game.


Do I really need to sleep beside her? How long this game would last? Parang hindi ko na kayang makipagsabayan. Hindi ko gusto itong naglalaro sa isip ko.


"How's work?" Ibinaling ko sa iba ang usapan. I sat down on the edge of the bed near her. Pero nakatalikod pa rin ako sa kanya.


She sighed. Matagal bago siya nakasagot. "Malungkot."


Saka lang ako humarap sa kanya. "What?"


"Wala na akong trabaho, hubby. Sinibak na ako ng amo ko." There's sadness in her voice.


I stood up and walked towards her. "Are you okay?"


She nodded with a lonely smile.


"Hey..." I unconsciously bent down on one knee. "You don't need that work anyway. I'm the man here. I'm in charge to work for us, right? I'm responsible for our daughters." Yung dalawang gurang ang tinutukoy ko. "You should stay home all the time and make yourself pretty for me."


Mahina siyang napahalakhak sa sinabi ko.


"Let me take care of you, wifey." Bigla akong sumeryoso. "I want to take care of you for the rest of my life."


I can't believe I'm saying this to her.


Nagulat ako nang biglang maglandas ang mga luha niya. She abruptly looped her arms around my neck and pulled me into her soft chest.


She's soft and she smells so good!


And I'm not afraid I might get some of her germs anymore!


Biglang bumukas ang pinto kaya kumalas agad ako sa kanya. Iniluwa ng pinto ang dalawang matanda.


"Dade, Mame, natatakot po kami." Umakto ulit ang dalawang umiiyak. Boses mga tiyanak sila.


Napakamot si Adi. "Sasamahan ko muna silang matulog sa kabila. Baka tabihan ko muna sila sa pagtulog."


"T-that's a good idea." But deep inside ay gusto ko pa siyang makasama.


Tumayo na siya at nilapitan na ang dalawa nagta-tantrums.


"Kami. Ayaw. Tulog. Kabila!" pagdadabog ni Lola Imang. "Kami. Gusto. Katabi. Dade!"


These ugly grannies are getting into my nerves. Hindi talaga sila magpapatalo!


"Okay, mga anak, mahiga na kayo sa kutson," utos ni Adi.


"Yey!" hiyaw ng dalawa at nanakbo sa foam. Nauna na silang mahiga.


Napayukom ang mga palad ko. Hindi ko yata kayang tabihan ang dalawang libagin na 'to.


"Lika na, hubby." Tumabi na si Adi sa dalawa. Nasa kabilang dulo siya ng kama. And it looks like na papagitnaan namin ang dalawang gurang sa pagtulog.


Shit, I have no choice! Or else I'm gonna lose!


Mabuti na lang at nakabalot sa trash bag ang dalawa. Humiga ako sa kabilang side ng kama at pinagitnaan nga sila. We were just like a family. Two toothless daughters between us, not a bad game I guess.


Kahit nasa kabilang side si Adi at nasa pagitan namin ang dalawa ay nakaharap naman siya sa akin.


"Kids these days, huh?" biro ko.


She laughed. "Goodnight, hubby." Pumikit na siya.


"Goodnight, wifey."


Narinig ko agad ang malalim na paghinga ng dalawang matanda.


"Ah... wifey." I whispered huskily.


"Hmm?" Dumilat ang isang mata niya.


Ngumiti ako sa kanya. "I love you..." Pagkuwan ay ipinikit ko na ang aking mata.


Hindi ko na napansin na nanatili pala siyang nakatitig sa akin matapos akong pumikit.


Oh Jane, forgive me. But I think I'm already falling in love with Adi...


JF


Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Top