ZingTruyen.Top

The God Has Fallen

Episode 55


ROGUE's



I woke up in my bed the next day with a throbbing pain inside my head. I can't recall exactly what happened last night, but I know that alcohol was to blame for this awful hangover.


Oh, I also remember my cousin, Voss Damon Montemayor coming here last night. He was the one who brought the expensive alcohol to me. We had a drink ang that was it, nalasing na ako. Pero ang pinaka-inaalala ko ay kung malinis ba iyong wineglass na ininuman ko? Did Damon and I share the same glass?


Napabalikwas ako ng bangon at agad ding napahinto nang may bigla pang maalala. Wait a minute! Parang natatandaan ko na nakita ko rin si Adi kagabi. Did she come here too? Napahilot ako sa aking sentido nang maalalang pumasok si Adi dito sa aking suite pagkatapos lumabas ni Damon. And, oh! Parang may sinabi siya sa akin and I have to remember that.


Think! Think!


I think I need a mirror.


Nanakbo ako papunta sa aking shower room at humarap ako sa salamin. Oh, look at that. Kahit may hangover, guwapo pa rin.


And back to Adi, naaalala ko na may sinasabi nga siya sa akin. She wanted to confess. But I can't remember what she's about to confess.


Fuck, I should've listen to her carefully! But I was so drunk last night. Hindi ko naman kasi akalaing malakas ang tama ng alcohol na dala ni Damon. Wait. Did I throw up in front of Adi? Kinapa ko agad ang aking damit kung may bakas ba ng suka. Good thing, wala naman. Pero natigilan ulit ako. Did I faint in front of her?


Pinakaisip ko ang nangyari kagabi, subalit iba aking naalala sa pag-iisip ko. Ngayon ay naaalala ko na ang dahilan ng aking pag-iinom. Si Lion Foresteir. Ang mga natuklasan kong kasinungalingan ng lalaking iyon ay napakalaking dagok sa akin. Dahil doon ay nagulo na naman ang utak ko. Nagsisimula na namang magulo ang buhay ko.


Marami akong nakalimutang routine. Halos napabayan ko ang aking sarili. Imagine, apat na beses na lang akong nagsisipilyo sa isang araw. Tatlong beses na lang akong naliligo at nakakalimutan ko na rin mag-spray ng alcohol sa kama ko bago matulog. I sometimes forgot to wear my facemask and hand gloves. Hindi na ako aware minsan na ang germs ay everywhere!


Oh, damn that Lion Foresteir! Siya ang may kagagawan kung bakit ako nagkakaganito. Matapos kong malaman na hindi ako totoong na-coma nang matagal ay roon na nagsimulang magulo ang utak ko. I still can't believe he did that to me. Really? To me?!


Bakit niya ginawa iyon? At para itago sa akin na totoo si Jane? Why the hell would he do that? What's his fucking purpose? What's his fucking reason?!


And what if totoo nga talaga si Jane? Where is she now?


Is she Adi?


Adi wrote a book na katulad ng nangyari sa akin sa Isla with Jane. Paanong nagkataon lang iyon?! Is she the real Jane?!


Napahugot ako nang malalim na paghinga. Fuck these questions, they're messing up my system. Okay na ako. Tama na. I've already endured all I've been through. I don't need hope anymore. Okay na ako.


Happy na ako sa kung ano si Jane sa buhay ko. I accepted a long time ago that she's just a dream. At kung meron mang pagsubok sa buhay ko na kailangan kong lagpasan, ito iyong mga hopes na buhay nga talaga si Jane.


Jane is the reason kung bakit pinipigilan kong mahalin si Adi. Ayokong maging unfair sa kanya. What would I tell her? Na minahal ko siya dahil kamukha niya si Jane?


Napailing ako sa naisip. Unfair nga ba na minahal ko si Adi dahil kamukha niya si Jane? Pero di ba, fair naman lahat pagdating sa pagmamahal? Kung paano mo natutunang mahalin o anuman ang dahilan kung bakit mo minahal ang isang tao ay hindi na mahalaga, basta totoong mahal mo siya. So fair pa rin ba kung mahalin ko si Adi dahil nakikita ko sa kanya si Jane?


...



ADI's


Nakatulis ang aking nguso habang kinukusutan ko ang aking blouse na sinukahan ni Rogue kagabi.


Bwiset na lalaking 'yun! Alam ba niya kung paano at saan ako humugot ng lakas ng loob para lang ipagtapat sa kanya ang katotohanan? Maluha-luha pa ako habang nagtatapat sa kanya. Pagkatapos kong masabi sa kanya na ako si Jane, bigla siyang nabuwal at nawalan ng balanse. Syempre, akong si marupok inalalayan siya. Nang masalo ko siya bago siya tuluyang matumba ay saka naman siya sumuka. Ang lahat ng isinuka niya ay sa damit ko napunta!


Malay ko ba na lasing na lasing pala siya kagabi?!


At mukhang hindi na niya narinig ang mga sinabi ko sa kanya, lalo na iyong moment na ipinagtapat ko sa kanya ang katotohanang ako si Jane. Dahil pagkatapos niyang sumuka, bigla siyang nakatulog sa balikat ko. Kumulo ang dugo ko sa galit!


Ang bigat niya na nga lalo pa siyang nagpabigat. Nang makalapit na kami sa kanya kama, pilit ko siya itinayo para maiangat dito. Halos mapatiran ako ng litid sa leeg dahil sa sobrang bigat niya. Sa laking tao niya, kahit sinong magbubuhat sa kanya ay mababalian ng buto.



Sa wakas ay nailagay ko na siya sa kama. At dahil malalim na ang tulog ng lasinggero, wala siyang kaalam-alam na tinapakan ko siya sa mukha.


Minasahe ko pa ang kanyang pisngi gamit ang aking talampakan.


Mukhang maganda ang panaginip ng gago dahil napapangiti pa siya habang nakalapat sa mukha niya ang talampakan ko. Pero kung malalaman lang niyang tinapakan ko ang kanyang mukha ay pihadong masasakal niya ako.


Halos mapunit ko na ang blouse kong kinukusot kapag naaalala ko ang lalaking 'yun. Nakakabadtrip talaga siya—



"Are you mad at me?" Nagulat ako nang biglang yumakap si Cassandra mula sa likuran ko.


Napalingon ako sa kanya. "Hindi, ah..."


Lumabi si Cassandra. "E bakit galit na galit ka diyan sa kinukusot mo?"


Nag-iwas ako ng paningin. "W-wala ito. Gusto ko lang matanggal agad yung dumi..."


Kanina pa ba siya? Hindi siya umuwi sa suite namin kagabi dahil siguro hindi pa siya handang malaman ang reaction ko sa ginawa niyang pagdadala sa akin kay Kuya Panther. Ngayon lang siya umuwi at hindi ko alam kung saan siya nagpalipas ng gabi. Siguro ay nag-check in siya sa ibang suite. Ang suot naman niyang haltered dress ay halatang bago at galing sa luxury shops sa mini shopping mall ng isla.


Kumalas siya sa akin at nagsindi ng sigarilyo. Sanay na rin ako na lagi siyang may yosi sa kanyang bibig kaya hindi ko na rin siya sinasaway.


"Sorry..." bigla niyang sabi.


"Para saan?"


Napabuga siya ng usok. "Because I brought you to Panther."


Napayuko ako at napangiti. Oo inaamin ko na nagulat at bahagya akong nagtampo dahil pinagkanulo niya ako kay Kuya Panther, pero ngayon ay nagpapasalamat ako dahil sa pambihirang pagkakataon na iyon. Kung hindi dahil kay Cassandra ay bulag pa rin ako sa katotohanan ngayon.


Nagbuga ng usok si Cassandra at lumapit sa akin. "Listen, I did that because I feel like you're safer–"


Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang bigla ko siyang yakapin.


"A-Adi—" Gulat na gulat siya.


Kumalas ako sa kanya. "Ako na si Jane, Cass. Hindi na ako si Adi."


Napatigagal siya sa sinabi ko. "A-are you serious?"


Tumango ako. "Marami akong narealized pagkatapos kong makausap si Kuya Panther. Thank you."


"Kung okay nang tawagin kang Jane ngayon, ibig sabihin ba ay handa ka nang malaman ni Rogue ang totoo?"


Napanguso ako. "Ayoko munang pag-usapan ang lalaking 'yun. Naasar ako sa kanya."


Mahina siyang napahalakhak habang nakatitig sa akin. "Oh, I missed you so much, Jane. Napakabait pero kakaiba maasar at magalit. Iyong tipong pasimple lang, pero bumabawi in a very naughty way."


Lalo akong napanguso. Ganoon ba ako?


"But still, I'm sorry that I lied to you. Nagsinungaling ako para lang madala kita kay Panther–" Tinakpan ko ang bibig niya.


"Bawal na mag-sorry, okay? Isa pa, maganda na rin iyong nalaman ko ang side ni Kuya Panther. Hindi iyong puro side lang ng iba laban sa kanya."


Lumamlam ang kanyang mga mata. "Mahal na mahal ka ng Kuya Panther mo. Alam ko iyon dahil noong nakatira pa ako sa mansiyon niya, nadiscover ko na pinapahanap niya ang bunso niyang kapatid. Hindi siya sumusuko kahit pa lahat ng reports na dumarating sa kanya ay puro negative."


Tumigas ang ekspresyon ko. "Cass, sa tingin ko ay kilala ko na kung sino talaga ang kalaban."


"Is that me?" Isang lalaki ang biglang nagsalita sa likuran ni Cassandra.


Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ko ito. "K-Kuya Lion..."


Kahit si Cassandra ay napaatras nang makita siya. Bakit ni hindi man lang namin namalayan ang pagdating niya? At bakit naririto siya?


Nakatayo sa harapan namin ngayon si Kuya Lion. Walang emosyon ang kulay abo niyang mga mata kahit pa bahagyang salubong ang makakapal niyang kilay. Hindi pa rin nagbabago ang nakakailang na aura na dala niya sa kabila ng maamo niyang mukha. Nakapamulsa siya sa suot na fitted pants at itim na long sleeve button down polo na nakatupi sa magkabilang siko ang suot niya sa pang-itaas.


"I need the room please," kalmadong sabi niya kay Cassandra. "I have to talk to my sister."


Imbes na umalis si Cassandra ay itinago niya ako sa kanyang likuran. "I'm sorry, but I don't trust you." Ang gulat ni Cassandra kanina nang makita si Kuya Lion ay nabawi niya na.


"C-Cass..." Ako naman ang nag-alala para kay Cassandra dahil nakikita kong hindi nagustuhan ni Kuya Lion ang ginawa niya.


"You're in big trouble if you get in my way."


Napalunok si Cassandra nang makita niya ang pagtagis ng bagang ni Kuya Lion.


"Cass, sandali." Hinila ko si Cassandra sa isang sulok. "Please, iwan mo muna kami."


"No. Baka kung anong gawin niya sa 'yo, Jane!"


Umiling ako at pinisil ang mga kamay niya. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na natatakot ako dahil baka lalong hindi niya ako iwanan. "'Wag kang mag-alala, BFF. Wala siyang gagawing masama sa akin."


"Gusto mo bang tawagin ko si Granny J?"


Napangiwi ako. "Wala rin naman magagawa 'yun. Patay na patay kay Kuya Lion 'yun."


Napakamot siya sa ulo. "Fine. Pero kapag sinaktan ka niya, sumigaw ka lang, okay? Doon lang ako sa labas ng pinto."


Tumango ako. Bago lumabas si Cassandra ng pinto ay tinitigan niya muna ako.


Lumapit sa akin si Kuya Lion kaya napatingala ako sa kanya. "Did you meet him?"


Alam ko kung si Kuya Panther ang tinutukoy niya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman. "O-oo," tugon ko matapos mapayuko.


"Stay away from him."



Tumingala ulit ako sa kanya para magtagpo ang aming mga mata. "S-sabihin mo nga sa akin, Kuya..."


"What?" Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay.


"Bakit ka ba galit sa kanya?"


Ang mga labi niyang natural sa kapulahan ay umismid. "He's a killer. He killed our mother, Jane."


Napailing ako. "Nagpakamatay ang mommy natin. Nagpakamatay dahil sa depresyon sa buhay niya, dahil matagal na siyang malungkot, matagal na siyang sawa na lumaban. Nagpakamatay siya, narinig mo? Hindi siya pinatay ni Kuya Panther–"


"He's the reason why mom killed herself!"


Nagulat ako nang sigawan niya ako. Bigla ay parang nawala ang hinahon niya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang nawala sa kalmante niyang disposisyon.


Pulang-pula ang mukha ni Kuya Lion hanggang leeg. "He's a psycho, Jane. Don't you fucking trust a psycho!"


Umiiling akong umatras. Iba ang nakikita ko. Hindi si Kuya Panther ang may sira sa ulo rito. O posibleng hindi lang ito, dahil pati ako, pati si Kuya Lion. Lahat kaming magkakapatid ay minana ang sira sa ulo ng nagpakamatay naming nanay!


"K-Kuya Lion, gulong-gulo na ang utak ko alam mo ba iyon?" gumagaralgal ang boses na anas ko. "H-hirap na hirap na ako... Saan ba ako lulugar? Sino ang paniniwalaan ko? Gusto niyo rin ba na matulad ako sa nanay natin? Na tuluyang nagpalamon sa dilim dahil sa kaguluhan ng puso at isip niya? Ganoon ba ang gusto niyong mangyari sa akin?"



Nakatingin lang siya sa akin.


"Kuya Lion..." Muli ko siyang tiningala at hinanap sa malamig niyang mga mata ang sagot. "Ikaw ang unang kapatid na nakilala ko. Una akong naniwala sa 'yo. Una kitang pinagkatiwalaan. Sinunod ko ang mga utos mo. Ayaw kong isipin na niloko mo lang ako. Ayaw kong isipin na sinadya mong sirain ang buhay ko. Ayaw kong magalit sa 'yo, kaya sabihin mo sa akin ngayon na ikaw ang nagsasabi ng totoo."


Hindi siya kumibo. Umalon ang lalamunan niya.


"S-sabihin mo sa akin na hindi mo kagagawan kung bakit ako napunta sa isla noong sanggol pa ako..." Napahagulhol na ako ngayon. Umaalog ang balikat ko sa panginginig. "S-sabihin mo sa akin na hindi ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang sinasakyang yate ni Rogue kaya siya napadpad sa isla..."


Napabuga siya ng hangin.


"K-Kuya, sabihin mo na ang totoo... nagmamakaawa ako sa 'yo, sabihin mo sa 'kin..."


Namulsa siya at tumingin sa kawalan. "I'm sorry."


Napatulala ako sa kanya.


Matagal bago siya muling nagsalita. "I don't regret to everything I've done, Jane."


Napaatras ako palayo sa kanya. Kung ganoon ay totoo nga. Totoo na siya nga ang dahilan ng lahat kung bakit kami nagkatagpo ni Rogue sa isla.


Kumuyom ang mga palad ko kasabay ng pangangatal ng aking mga labi. "B-bakit kailangan naming madamay ng anak ko?"


Napakasama niya. Pati ang walang malay na bata idinamay niya sa mga plano niya. Napakasama niya!


Walang emosyon ang mga mata niya nang ngumiti siya sa akin. "How do you think David defeated Goliath?"


"A-ano?" naguguluhang sambit ko.


"You still don't get it, do you?" Tinalikuran niya ako. "Because you're Panther's weakness."


Natutop ko ang aking bibig sa kanyang sinabi. Nakuha ko ang gusto niyang iparating. Hindi niya matatalo si Kuya Panther dahil higit itong mas makapangyarihan sa kanya, naririto ang lahat ng pera at koneksyon bilang unang tagapagmana ng mga Foresteir. At ayaw niya ring kunin kay Kuya Panther ang meron ito, dahil gusto niya itong matalo gamit ang sarili niyang taktika. At ang taktika na naisip niya ay...


"And I will defeat Panther because I know his weakness, just like how David defeated Goliath," pagkasabi niya niyon ay tinalikuran na niya ako. "You're on your own now, Jane. And..." bahagya siyang natigilan. "Consider me as your enemy from now on if you don't go on my side."


...


KAHIT sinong staff na makasalubong ko, imposibleng hindi ako mabubunggo. Ano bang nangyayari sa set? Bakit parang nagkakagulo yata sila?


Nilapitan ko si Hermes na abalang kausap ang isang camera man at may hawak na mga papers.


"Magkape ka muna." Inabutan ko siya ng isang tasang kape.


Kinuha niya lang iyon nang hindi ako tinitingnan. Noong isang linggo pa siya ganito ka-busy.


Napansin ko rin sa mesa niya sa di kalayuan ang kape na inihanda ko sa kanya kanina. Hindi na naman niya ito naubos katulad kahapon.


"Damn it!" usal niya. "Everything should be done tonight, okay?!" singhal niya sa mga kausap niya. "Walang uuwi hangga't hindi ito tapos!"


Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan. Wala naman akong kayang gawin kundi ang ipagtimpla siya ng kape.


"Call her again!" utos niya muli sa isang staff.


Parang halos lahat ng staffs na nakasalubong ko kanina ay may tinatawagan sa hawak nilang mga cell phones. Sino bang tinatawagan nila? Nagmistulan tuloy na call center ang buong set.


Hindi ko namalayan na kanina pa pala nakatitig sa akin si Hermes. Tinititigan niya ako mula ulo hanggang paa.


"M-may maitutulong ba ako?" sabi ko na lang.


Napapitik siya sa hangin. "All this time, bakit hindi kita agad naisip?!"


Anong sinasabi niya?


"Adi, listen to me."


Napalunok ako habang nakatingala sa kanya.


"We can't find Hazel."


Nawawala si Hazel?


"Last time we heard about her, meron siyang diarrhea. She went to the clinic. After her diarrhea became worst, dinala na siya sa hospital in Manila. Then we tried to contact her pero hindi na namin siya ma-contact. We're trying to call her parents, relatives, friends..."


"O-okay lang ba siya?" Kahit gigil ako kay Hazel ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala.


"She's totally fine, Adi. My point here is... we really need her. May scene siya na kailangang tapusin dahil ngayon ang deadline."


Tumango ako. "O-okay. Tutulungan ko kayong hanapin siya, ganoon ba?"


Umiling siya. "Tell me you know how to act."


Nanulis ang nguso ko sa tanong niya. "Ilang years na ba akong extra, ano sa tingin mo?"


"Good. Now talikod ka."


"H-ha?"


"Just do it!" Pinatalikod niya ako.


"What do you think, Direk?" tanong niya sa katabi niyang direktor.


"She's fit. Kahawig niya sa Hazel kapag nakatalikod."


"How about the angle?"


"Kayang gawan ng paraan 'yan ng make up artist natin."


"Good!" Lumapit sa akin si Hermes at ginulo niya ang buhok ko. "I need you to be my leading lady just for today."


Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla. "S-seryoso ka? Baka di ko kayanin–"


"Don't worry. Isipin mo na lang na extra ka."


"S-sandali lang–"


"Bring me the make up artist please!" sigaw niya.


May mga lumapit sa akin na make up artists.


"Make her Abari!" seryosong utos niya sa mga ito. Si Abari iyong pangalan ng character ni Hazel. Ang bida sa The God Has Fallen.


"Teka, Hermes–"


"Here's the script." Kinuha ni Hermes ang kamay ko at inilagay niya ang papel dito. "Your dialogue is so simple, read it."


Napalunok ako. Seryoso ba talaga?


"It's a simple scene. Isang scene lang naman ito. Tamang camera angle lang, and you're safe."


"A-anong scene ba?" kabadong tanong ko.


Napahugot ng paghinga si Hermes at nag-iwas ng paningin. "It's a bed scene... with Rogue."


"Sorry, pero hindi ako–"


"Just take a look at the script, Adi. Hindi iyan katulad ng iniisip mo." Tinalikuran niya na ako.


Napatingin ako sa script na hawak ko. Naalala ko nang isulat ko ang libro ay napalolooban ito ng chapter kung saan mababasa ang bed scene nina Abari at Apollo.


"It's a romantic scene," paliwanag ni Hermes. "Nasa ibabaw mo si Apollo," si Rogue ang tinutukoy niya. "And he's confessing his love to you. Then you two will kiss, then cut. End of story."


"A-ayos lang ba kay Rogue ang ganitong scene?" Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko sa mga oras na ito.


"Alam niya na."


Paanong nagawang palampasin ni Hazel ang ganitong scene nila ni Rogue? Sa pagkakaalam ko, isa ito sa pinakahihintay niya sa lahat ng taping na ginawa nila.


"Just stay calm, Adi. Look at Rogue." Itinuro niya si Rogue sa akin. "He's so calm."


"Ha?" Sumunod ang tingin ko sa di kalayuan.


Nakaupo si Rogue sa folding rest chair habang kalmanteng binabasa ang hawak na script. Half-naked na siya dahil ganito naman talaga ang description ko kay Apollo na nasa book. Hindi tuloy maiwasan ng mga staffs na mapatingin sa lalaki lalo na't nakabalandra ang mga muscles niya at abs.


Napapikit ako nang mariin bago tumango kay Hermes. "Gawin na natin 'to."


"Good."


Dinala na ako ng mga make up artist sa tent na dapat ay kay Hazel. Doon ay pinaupo nila ako sa harap ng vanity mirror. Pumikit na lang ako at hinayaan silang make-up-an ako.


Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Sinubukan ko kasing basahin ang script pagkatapos ng make up ko, at walang ibang pumapasok sa isip ko kundi iyong part na iibabaw sa akin si Rogue. Pagkatapos ay magtatapat siya ng pagmamahal niya kay Abari, sa akin.


Ang gagawin ko lang ay tititig ako sa kanyang mga mata, magtatapat din ng pagmamahal, at saka akmang makikipaghalikan. Maiksi lang ang scene pero parang matagal na sa akin iyon. Iniisip ko pa lang na mangyayari ay grabe na ang kabog ng aking dibdib.


Pagkatapos nilang ayusin ang aking buhok, sunod nilang ginawa ay ipinasuot sa akin ang two-piece costume ni Abari. Loin cloth na kulay brown na tila tapis at bra lamang. Sinuutan din nila ako ng kwintas na yari sa kabibe.


"Perfecto!" bulalas ng baklang hairdresser ko.


Nakagat ko ang ibaba kong labi habang nakatingin ako sa aking repleksyon sa salamin. Ang pantay na kulay ng balat ko ay bumagay sa aking suot. Maging ang sinadyang magulo kong buhok ay nakikisama sa character na aking gagampanan. Tama nga ang hairdresser, perpekto ang kinalabasan.


Perpekto dahil ako mismo ito. Pakiramdam ko ay inanod ako ng galit na alon patungo sa kung saan ako tunay na nagmula.


"Hindi ka ba naiilang sa suot mo? Keri naman ba?" tanong sa akin ng hairdresser na Mami Mimi ang pangalan.


Umiling ako. "Ayos lang po..."


Kung maari ko lang sanang sabihin na ang gayak na ito ay hindi na bago sa akin. Mapait na lang akong napangiti sa aking sarili. Nang maayos na lang lahat ay tinawag na kami ni Hermes. Dumeretso ako sa set kung saan naghihitay si Rogue pati ang lahat ng staff at camera man.


Sa likod ng mga camera ay naroon si Hermes. Nilingon ko siya at nakita kong titig na titig siya sa akin.


Sa totoo lang, kahit sinong malingunan ko ay natitigagal sa akin. Lahat sila ay parang hindi makapaniwala sa hitsura ko. Halos yakapin ko tuloy ang aking sarili para lang maitago ang nakalitaw kong cleavage, tiyan at pusod. Hindi ko akalaing maiilang ako sa nakasanayan kong itsura noon.


Sabagay, sino ba ang hindi magugulat? Konserbatibo ako sa buong pagkakakilala sa akin dito sa set. Palagi akong nakamahabang medyas o jumper tapos ngayon ay naka two-piece ako. Higit pang mas malaki ang dibdib ko kay Hazel kaya naman bitin sa akin ang loin cloth na nagsisilbi kong bra ngayon.


Lumapit ako kay Rogue kung saan naroon siya sa set ng pagsho-shooting-an. Ang hitsura niyon ay parang isang malaking pugad na nakapatong sa malaking sanga ng puno. Isang higaan kung saan tila magtatalik si Eva at Adan.


"I-idol." Kinalabit ko ang lalaking nakatagilid.


Nang lingunin ako ni Rogue ang nanlaki ang kanyang mga mata. "A-Adi, is that really you?"


Tumango ako matapos hawiin ang aking buhok sa tainga. Nahihiya ako sa kanya dahil halos lumuwa ang mga mata niya sa pagtitig sa akin.


"W-where's Hazel?"


"Hindi pa ba nasasabi sa'yo ni Direk?"


Napabuntong-hininga siya. "Yeah, I heard." Umiwas na siya ng tingin na ikinasama ng loob ko.


Bakit biglang ganoon ang reaksyon niya? Napangitan ba siya sa akin? Parang ayaw niya na ako ang gaganap na Abari.


"I don't think we need to rehearse, right? Maiksi lang naman ang script," balewalang sabi niya.


Na-pressure tuloy ako bigla. Naririnig ko na magaling raw si Rogue sa lahat ng scene at bihira magkamali ni ang makalimot sa dialogue niya sa script. Nakakahiya kapag nagkamali ako.


"Come on. Humiga ka na," aniya sa akin.


"Ahm, hihiga?" parang tangang tanong ko.


"Did you read the script? Hihiga ka dyan at iibabaw ako sa 'yo, right?"


"Ah, oo nga pala." Humiga ako sa malambot na talahib na nakalatag ng hugis batya kaya parang malaking pugad.


Pagkuwan ay pumatong sa akin si Rogue. Napalunok ako nang maramdaman ang bigat niya. At ang init ng katawan niya...


At higit sa lahat ay hindi ko maiwasang madama ang nasa ilalim niya...


May mga lumapit sa aming make up artist para i-brush nang bahagya ang aming mukha. Ang iba naman ay may hawak na maliit na fan upang itutok sa aming mukha.


"Everyone's ready?!" sigaw ni Hermes. "Let's finish this quickly, all right?!"


Hindi ako makatingin sa mukha ni Rogue. Pero kapag nag-start na ang shoot, kailangan kong tumitig sa kanyang mga mata.


"Ehem." Tumikhim siya. "Did you come to my suite last night?" mahinang tanong niya.


Napalunok muna ako bago ako sumagot. "H-ha? Ah, kagabi ba?" kunwari ang napaisip ako. "O-oo."


"Why did come to meet me? May sasabihin ka ba?"


Alam kong nakatitig siya sa akin lalo na't ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Halos maamoy ko rin pati ang mabango niyang hinininga.


"A-ah, wala lang. Naligaw lang ako ng pinto kaya doon ako napadpad sa suite mo," pagsisinungaling ko. Iniiwasan ko pa ring katagpuin ang kanyang mga mata.


"Did I... throw up on you?" tanong niya ulit sa mahinang boses.


Marahan akong tumango.


Napapakit siya. "May sinasabi ka sa akin that night. Hindi ko lang maalala dahil lasing na ako."


Hindi ako kumibo. Kasalanan niya kung bakit hindi niya nalaman ang totoo. Sayang dahil kagabi ay buo ang loob ko, pero ngayon? Hindi tama ang sitwasyon para sabihin sa kanya ang sadya ko kagabi.


"Pwede bang... sabihin mo ulit sa akin iyong mga sinabi mo."


At saka ko lang kinatagpo ang kanyang mga mata.


"In three... two... one..." biglang sigaw ng isang direktor. "Action!"


Inilapit na ang microphone boom pole sa amin. Maging ang mic na nakakabit sa amin ni Rogue ay gumagana na.


Sumeryoso ang kulay luntiang mga mata ni Rogue habang nakatitig sa akin. "May sasabihin ako sa'yo, Abari," sabi niya dahil iyon ang nasa script.


Tinitigan ko lang siya sa mga mata dahil iyon din ang nasa script. Umusal ako sa malamyos na tinig. "Ano iyon, Apollo?"


"Gusto kong malaman mo na... mahal kita."


Ang galing niyang umarte kung umaarte man siya ngayon. Pero bakit ganito? Bakit iba ang dating sa akin ng mga titig niya? At nang sabihin niyang mahal niya ako, bakit tumagos iyon hanggang sa puso ko?


Hinawi niya ang hibla ng aking buhok. Lalong lumapit ang kanyang mukha sa mukha ko. "Mahal mo rin ba ako, Abari?"


Tumango ako kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko. "Mahal k-kita..." pumiyok ako. Isa-isa na kasing nalaglag ang mga luha ko at tuluyan na akong nalunod sa mga mata niya. "Mahal na mahal pa rin kita, Bathala ko..."


Namilog ang mga mata ni Rogue sa sinabi ko.


"B-Bathala..." Hinaplos ko ang mukha niya. "Bathala, ako ito... si Jane mo..."


May namutawing luha sa mga mata niya. "J-Jane..."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Top