ZingTruyen.Top

The Governor Book 02 To Be Publish


Happy new year sa inyo, sana naging maganda ang unang araw ng 2024 sa inyo. Again 'yong 50 php niyo po puwede niyong isali sa paid book raffle, may available pa din  pong mga raffle number!


And on going pa din po ang story ni Khalik sa patreon apps saka vip group. Om niyo lang po sa fb sa gustong mag join!





"Eros!"

"Eros!" 

"Eros ano ba?" Habol ko sa kanya papasok ng mansyon, hindi niya ako kinausap kanina habang nasa sasakyan kami at pauwing dalawa. But I know he's mad pero maski ako din naman ay hindi inaasahan ang ginawa kanina ng doktor kaya bakit sa akin pa yata siya nagagalit?

"Ano ba? Can you please stop walking so that we can talk?" Sa may hagdan ko siya naabutan at hinawakan ko siya agad sa kamay. Pero bumitaw lang siya sa pagkakahawak ko at nagpunta sa bar area, pinanood ko siya ng kumuha siya ng alak at nagsalin no'n sa baso at saka ininom 'yon. 

"I'm mad Sienna, I am fucking mad!" Galit na turan ng dating gobernador na kay higpit ng hawak sa baso. Saglit lang ang tinagal niya sa pinuntahan niyang graduation at dahil mamayang gabi pa siya may pupuntahan na kampanya ay sumunod siya sa bayan ng Estrella para nga puntahan ang asawang si Sienna na naroon. Para ngang wala pang isang oras siya sa graduation ceremony na pinuntahan nila ni June at pagkatapos niya ngang magbigay ng speech ay umalis na din siya agad. Pero hindi niya inaasahan ang makikita kanina. 


"Alam kong galit ka at maski naman ako ay nabigla kanina sa ginawa ni Doctor David pero hindi mo siya dapat sinuntok!" Inis na sabi ko, paano ba naman sinuntok niya 'yong doktor kanina at madaming nakakita no'n. And knowing na tumatakbo siya bilang gobernador ulit ay baka magkaroon ng epekto 'yon sa pagtakbo niya. Well alam naman ng mga tao dito sa San Juaquin na may ganyan talagang ugali ang asawa ko pero kahit na. Iba na ang panahon ngayon at hindi na kagaya noon.



"Wow at first name basis na agad ang tawag mo sa kanya? Eh kakakilala mo lang naman do'n ah." Sarkastiskong sabi ni Eros, kulang nga 'yong dalawang suntok na binigay niya sa doktor na 'yon eh. The way he looked to his wife earlier was so malicious, at putangina lang walang ibang puwedeng mang-manyak sa asawa niya kung hindi siya lang. 

"Eh David naman kase talaga pangalan no'n eh, Doctor David Cojuanco at siya 'yong founder ng medical mission na gagawin sa Linggo." My God pati ba naman 'yon ay talagang bibigyan pa niya ng malisya?

"At hindi ka na sasali sa putanginang medical mission na 'yan." Galit pa din na sabi ni Eros, gigil na gigil talaga siya kanina lalo pa at nakita niyang hinalikan ng doktor na 'yon sa kamay ang asawa niya. At wala siyang pakealam kung sabihin ng ibang tao na ginagawa niyang big deal ang gano'n, pero sa kanya kase ay iba ang dating. At talagang madamot siya pagdating sa asawa, he will never ever share his wife kahit ganoong klaseng bati pa. 

"Okay fine, eh di hindi kung hindi pero Eros baka puwede namang mag-sorry ka sa doktor kanina. Nakakahiya kase ang daming tao na nakakita sa ginawa mo." Alam kong malabong gawin ni Eros na humingi ng tawad pero kase madami talagang nakakita sa ginawa niya at baka mapakiusapan ko siya. Isa pa nakakahiya kase. 

Muling ininom ni Eros ang alak na nasa baso niya bago niya tiningnan ang asawa. "Wala sa bokubolaryo ko ang humingi ng sorry Sienna at alam kong alam mo 'yan. Isa pa wala akong pakealam sa sasabihin ng iba dahil wala sila sa posisyon ko ko kanina. Tangina ang kapal ng mukha ng doktor na 'yon at may pahalik-halik pa sa kamay mo? Buti sana kung nakipag-shake hands lang eh, pero hindi I saw him looking at you maliciously then kissed your hand that's why I got mad."

Napabuntong hininga na lang ako, alam kong ganito na siya dati pagdating sa akin. At hindi naman ako against do'n, he's very protective lalo na sa akin pero kase hindi ko lang inaasahan ang ginawa niya kanina. "Baka naman kase gano'n lang si Doc David bumati tapos binigyan mo lang ng malisya, saka maliit lang naman na bagay 'yon eh." 

"Anong maliit? Eh nakita ko shake hands lang naman ang ginawa niya kay Luna? At kung nagkataon na ginano'n din niya si Luna at nalaman ni Oscar sure ball talaga ang doktor na 'yon dahil baka gawin siyang sisig ni Oscar."

"Eros!" 

"Saka saan ba pumapasok ang putanginang 'yon? Kayang-kaya ko siya patanggalan ng lisensiya baka akala niya." Hindi pa din matapos-tapos na sabi ni Eros na sige din ang salin ng alak sa baso niya at inom no'n. "And what's his name again? David? David diba?"

"Oo, David Cojuanco nga. Ay naku Eros matatanda na tayo para pairalin ang selos okay? Don't make it a big deal." Napapailing na lang ako sa reaksyon ng asawa kong 'to eh. 

"Hindi ako nag-seselos no dahil unang-una walang binatbat sa akin ang doktor na 'yon. Saka David ba kamo? diba 'yong siraulong abogado na may gusto sa 'yo noon sa law firm na pinapasukan mo David din ang pangalan? 'yong nabugbog ko sa Cebu. Tapos David na naman pala ang pangalan ng lalake kanina? Oh diba pag David talaga mga gago 'yan eh!" 

"Pati ba naman 'yon Eros naalala mo pa? Saka sabi ko nga diba wag mo ng gawing big deal ang nangyari kanina." 



"Dahil galit ako sa ginawa ng lalakeng 'yon kanina sa 'yo, and I'm just protecting what's mine at lalong hindi na ako si Eros Jacinto kung palalagpasin ko lang kanina ang nangyari."


"Ewan ko sa 'yo, bahala ka. Pero subukan mo lang na gumawa ng hindi maganda at ako naman ang magagalit sa 'yo." Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko at nakita ko ngang marami pala akong missed call mula kay Abby at Luna na alam kong nagulat kanina sa nangyari at ginawa nitong si Eros. At siguro makikibalita ang mga ito kung kumusta na ba kaming mag-asawa pero mamaya ko na lang sila rereplayan.




"Okay lang naman na magalit ka basta nakaganti ako sa putanginang 'yon." Kibit balikat na sabi ni Eros pero napatayo din siya ng diretso ng sumingkit na ang mata ni Sienna habang tinitingnan siya nito. 

"Pero ikaw noong may umaaligid sa 'yo na Mayor okay lang gano'n? Oo nagalit ako sa 'yo no'n at hindi kita pinansin pero hindi ko naman sinugod ang babae na may gusto sa 'yo." Naka-pameywang na sabi ko sa kanya, akala yata ni Eros bagong kasal lang kami na nakakaya niya pa akong takot-takutin, puwes hindi na no! Dahil hindi na ako natatakot sa kanya kagaya noon. 




Napataas tuloy ang kilay ni Eros dahil sa sinabi ng asawa. "At kailan naman 'yan ha? Wala akong matandaan na ganyan Sienna." Kampanteng sabi niya dito dahil wala naman talaga siyang matandaan. 




I smirked to him, so bigla siyang nagka-amnesia gano'n? 
Ako pa ba ang hahamunin niya  sa patandaan? Eh tandang-tanda ko lahat.

Hindi naman maiwasan ni Eros na mapalunok habang naglalakad sa kanya palapit si Sienna. At ngayon niya lang ito nakita ulit na nakangisi, at mukhang hindi maganda ang ibig sabihin no'n. 


"Six months lang no'n si Miracle Eros at pumunta ako noon sa kapitolyo dahil kakagaling lang namin sa monthly check up niya. At doon ko nakita 'yong Rachelle na 'yon na chararat naman dahil puro make up ang mukha. Remember nakikipag-tawanan ka pa nga sa kanya habang palabas kayo ng office mo at mukhang ihahatid mo pa nga no'n. Plus first name basis din kayo."



Unti-unti namang naalala ni Eros ang tinutukoy sa kanya ni Sienna and he remembered that Rachelle his wife saying. "B-Baby naman ang tagal-tagal na no'n saka tingnan mo nga si Miracle may anak na tapos ipapaalala mo pa ang tungkol diyan." Parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin dahil nag-iba ang boses niya.




"Eh ayaw mo pa lang nagfa-flashback ako tungkol sa 'yo so dapat hayaan mo na lang din 'yong nangyari kanina." 




Ininom ni Eros ang alak bago muling tiningnan ang asawa. "'Yon naman ang hindi ako papayag okay, hindi 'yon puwede." Matigas niya ulit na sabi dito. 




Mukhang no choice na ako kung hindi sabihin sa kanya ang alas ko. Ang gusto ko lang naman ay wag niya sanang pahabain pa ang nangyari kanina pero mukhang ayaw din niya talagang magpatalo. "Eh di huwag pero wag ka din mamaya sa kuwarto matutulog at doon ka sa guest room."



What? Aba hindi puwede 'yon! "Baby hindi 'yon puwede, wife! Sienna!" At muntik pang matalisod si Eros dahil siya naman ang humabol sa asawa niya.

#maribelatentastories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Top